PANOORIN: Donnalyn Bartolome, may kubo mansion sa Cebu?

May bagong prank si Donnalyn Bartolome sa kanyang mga fans.

PANOORIN: Donnalyn Bartolome, may kubo mansion sa Cebu? -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

04/23/2022 11:53 AM
PANOORIN: Donnalyn Bartolome, may kubo mansion sa Cebu?
Screenshot from Donnalyn YouTube Channel

Gumawa na naman ng panibong prank ang vlogger at singer na si Donnalyn Bartolome sa kanyang pinakabagong vlog. Sa kanyang prank, pinapaniwala niya ang kanyang mga subscribers na mayroon siyang kakaibang kubo mansion sa probinsya. 

Nagpa-tour si Donnalyn sa nasabing vlog na nasa harap ng isang white sand beachfront na kubo mansion sa kanyang pinakabagong vlog.


Maliban sa kakaiba at moderno nitong disenyo, marami din ang bumilib na netizens dahil sa laki ng nasabing kubo. 

READ: Donnalyn Bartolome dons a disgsuise to surprise her family at Disneyland

May dalawa pang bahay sa magkabilang gilid: isa para sa kanyang pamilya at isa para sa kanyang guests. 

Pagbabahagi ni Donnalyn, nagdesisyon umano siyang magpagawa ng bahay sa probinsya dahil halos buong buhay na siyang nakatira sa siyudad.  

PANOORIN: Donnalyn Bartolome, sinagot ang tanong tungkol sa pagpaparetoke

Ani Donnalyn, inabot ng dalawang taon ang pagpapagawa sa kanyang kubo mansion. 

Ngunit sa huli, inamin ni Donnalyn na prank lang ito at nagbabakasyon lamang siya sa Daanbantayan sa Cebu. Gayunpaman, napag-isip isip niyang gusto umano niyang makapagpagawa ng ganito sa hinaharao.  

Panoorin ang bidyu sa ibaba: 

Samantala, kasalukuyang nasa Top 5 ng most trending videos sa YouTube ang nasabing vlog ni Donnalyn.