• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagsalita si Sean de Guzman tungkol sa umano’y pagbubuntis ni AJ Raval.

Sean de Guzman sa isyung buntis si AJ Raval: ‘Hindi ako naniniwala!’

Nagsalita si Sean de Guzman tungkol sa umano’y pagbubuntis ni AJ Raval.

Sean de Guzman sa isyung buntis si AJ Raval: ‘Hindi ako naniniwala!’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/01/2022 09:23 AM
Sean de Guzman sa isyung buntis si AJ Raval: ‘Hindi ako naniniwala!’
Photo credit to @seandgman_ Instagram

Hindi naniniwala ang aktor at bida ng pelikulang The Influencer na buntis ang dati niyang leading lady na si AJ Raval.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sean De Guzman (@seandgman_)

Sa panayam ng PUSH kay Sean, iginiit nito na hindi nagdadalang-tao ang dating kapareha.


“Hindi ako naniniwala! Kasi nagtatrabaho pa rin siya, di ba?” mariing pahayag ni Sean tungkol sa isyung magiging ina na si AJ.

Patuloy niya: “Tsaka napag-usapan na namin yan dati pa. Actually mga three months ago pa bago lumabas yang ganyan isyu sa kanya. Kumbaga, bumalik na lang ulit ngayon. Sabi niya sa akin nung time na ‘yun, pinag-usapan namin na parang iniisyu na naman daw siya na buntis kahit hindi.”

Ayon pa kay Sean, personal din niyang tinanong si AJ kung totoong buntis ito at wala rin daw itong inamin sa kanya.

“Tinatanong ko naman siya kung buntis siya. Hindi naman siya buntis talaga. Kumbaga, siguro parang wala lang mahalukay sa kanya ang ibang tao. Pero ‘yun nga, sabi ko nga, wala naman ako sa posisyon para pakialaman yung mga isyu nila,” lahad pa ng binata.

READ: AJ Raval, pinabulaanan ang isyung buntis siya

Kung wala bang Aljur Abrenica ay posible bang naging sila ni AJ?

Tugon ni Sean: “Napag-usapan naman po namin dati ‘yan ni AJ na ayaw namin masira ‘yung pagkakaibigan namin dahil maganda yung naging samahan naming dalawa. Kasi kung magkakaroon kami ng relasyon or something, magkakaroon ng malice, may magbabago, ‘di ba?”

Si AJ ay nakapareha ni Sean sa mga Vivamax movie na Nerisa, Taya, at Hugas. Huling nagkatrabaho ang dalawa sa series na Iskandalo.

“Hindi na kami masyadong nagkakausap ngayon. Last time nagsama kami sa series pa na Iskandalo. Pero alam naman namin sa aming dalawa na we’re friends.

“Magkaibigan pa rin naman kami. Close pa rin kami kaso nga lang siyempre lagi siyang nasa trabaho. And pag nagkakayayaan naman kami, ‘Tara, labas tayo’ nagkakataon naman na may trabaho ako tapos siya free, tapos minsan may trabaho naman siya ako naman yung wala,” kuwento pa ng bida ng The Influencer na ipapalabas na sa August 12. 

READ: AJ Raval dispels pregnancy rumors on Instagram live

“Nami-miss ko na nga siyang makatrabaho kasi yung bonding din namin iba kapag nasa shoot kami,” bulalas ulit ni Sean.

Ano ang mensahe niya kay AJ?

Ani Sean: “Basta huwag kang masyadong magpaapekto sa mga sinasabi ng tao sa ‘yo kung alam mo naman yung katotohanan. Masaya ako na masaya siya sa mga nangyayari sa buhay niya.”