AJ Raval, pinabulaanan ang isyung buntis siya

Dineny ni AJ Raval ang isyung buntis daw siya

AJ Raval, pinabulaanan ang isyung buntis siya-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

07/21/2022 05:27 PM
AJ Raval, pinabulaanan ang isyung buntis siya
Photo credits: @ajravsss on Instagram

Pinabulaanan ng aktres na si AJ Raval ang isyung buntis siya. 

Ito ay matapos ilahad ng kolumnista na si Cristy Fermin na nagdadalang-tao ang aktres kaya nito iniwan ang isang proyekto ayon sa isang source. 

Ayon kay Cristy, totoong nagdadalang-tao si AJ at si Aljur umano ang ama ng pinagbubuntis ito. 


“‘Yung paninindigan tungkol sa pagkaka-anak alam ko lalaking-lalaki si Aljur kaya niya yan, pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ. Ang nakakanerbyos, baka mamaya may magsulsol kay Kylie Padilla dahil hindi pa napapawalang-bisa ang kasal nila,” sey ni Cristy. 

READ: Cristy Fermin kinumpirmang buntis si AJ Raval kay Aljur Abrenica

Ang kanyang pagbubuntis umano ang dahilan ng kanyang desisyon na hindi tapusin ang ginagawang pelikula. 

Ngunit nagpadala ng mensahe si AJ sa programang Frontline Pilipinas ng TV5 at sinabing wala umanong katotohanan ang isyung kumakalat tungkol sa kanya. 

Ayon kay AJ, hindi niya natapos ang ginagawang proyekto dahil nagpositibo siya sa COVID-19 kabilang na ang kanyang mga kasamahan sa nasabing pelikula habang ginagawa ito. 

Sinubukan ding hingan ng pahayag ng Frontline Pilipinas si Aljur ngunit wala pa itong sagot sa ngayon.