Kim Chiu, ikinatuwa ang pagtatapos ng tatlong pinapaaral na pamangkin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kim Chiu, ikinatuwa ang pagtatapos ng tatlong pinapaaral na pamangkin

Kim Chiu, ikinatuwa ang pagtatapos ng tatlong pinapaaral na pamangkin

Leah Bueno

Clipboard

"Proud Tita" ang aktres na si Kim Chiu sa academic achievement ng kanyang tatlong pinapaaral na pamangkin na sina Raine, Liam, at Callee.

Sa kanyang post sa Instagram, masayang ibinahagi ni Kim na nakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga pamangkin at lahat sila ay nakatanggap ng honors.

"Saktong flex lang sa umaga! Proud tita here!!!! Congratulations #Raine #Liam and #Callee for graduating with honors. I wanna cry na. Parang ako yung nagluwal!" ani Kim.

"But kidding aside seeing them grow and seeing their achievements big or small means so much to me and of course to the entire fam," patuloy niya. "Noon ‘di ko nabigyan ng medal and honors yung mga tita ko na nagpaaral sa’kin. 'Yung saktong pasado lang nabibigay ko, ganito pala dapat. Pero thankful pa rin ako sa mga tita ko na tumulong sakin before kaya now, time to give back sa mga pamangkin ko naman."

ADVERTISEMENT

Si Raine ay anak ng kapatid ni Kim na si Twinkle, habang si Liam at Callee ay anak naman ng kanyang kapatid na si William.

Sa kanyang guesting sa Magandang Buhay noong 2017, nagkwento si Kim tungkol sa kanyang pagiging hands-on tita sa kanyang tatlong pamangkin.

"[Tinuturing ko silang] lucky charms, my inspiration, my life. Nakakatuwa kasi kapag may bata sa bahay, 'di ba. ... At gusto ko kasi talaga [ng mga bata]. Favorite ko talagang paglaruan sila, paiyakin sila, patawanin sila. 'Yung paglalaruan mo 'yung emosyon ng bata kasi sobrang genuine, honest. Tapos 'yung saya nila nalilipat sa 'yo so parang ang sarap sa pakiramdam," ani Kim.

Naging bukas din ang aktres tungkol sa pagsuporta sa kanyang mga pamangkin. Aniya: "Kasi alam ko din 'yung feeling nung ikaw 'yung tinutulungan. So ngayon na kaya naman, sa awa ng Diyos nabigyan tayo ng pagkakataon na tayo naman 'yung tumulong, bakit naman hindi?"

Ayon kay Kim, bukal sa loob niya ang pagtulong sa kanyang pamilya at kahit kailan ay hindi niya naramdaman na obligado siyang gawin ito.

"Hindi naman, momshie. Naniniwala kasi ako doon sa sabi sa Bible na 'yung nagfi-fill ng water, 'yung baso ng tubig mo, 'pag hindi ka namigay, hindi ka magkakaroon ng bagong tubig. Parang 'yun at 'yun lang," ani Kim.

"Parang blessing, na kapag hindi mo shine-share 'yung laman nung tubig na 'yun, aapaw lang siya nang walang nakinabang. Tapos wala ring darating na bagong tubig."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.