Cristy Fermin kinumpirmang buntis si AJ Raval kay Aljur Abrenica

Ayon kay Cristy Fermin, nagdadalantao ngayon si AJ Raval.

Cristy Fermin kinumpirmang buntis si AJ Raval kay Aljur Abrenica-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/20/2022 03:57 PM
Cristy Fermin kinumpirmang buntis si AJ Raval kay Aljur Abrenica
Photo credit to @ ajravsss Instagram (left)/ Photo credit to owner (right)

Pinaninindigan ng batikang host at kolumnistang si Cristy Fermin na buntis ang sexy star nasi AJ Raval. Si AJ ay anak ng dating action star na si Jeric Raval at girlfriend naman ni Aljur Abrenica.

Ani Tita Cristy sa kanyang online show na Showbiz Now Na, “Totoo po mga kachika, nagdadalantao po si AJ Raval!”

Komento naman ng isa sa kanyang co-host na si Romel Chika, “Confirmed?” na sinagot din agad ni Tita Cristy ng, “Oo!”


Dialogue naman ng isa pang co-host ni Tita Cristy na si Morly, “Courtesy of?” na kaagad ding sinagot ng kolumnista ng, “Aljur Abrenica!”

READ: AJ Raval hindi na muna tatanggap ng sexy roles

Umuugong pa lang ang tsismis ng diumano’y pagbubuntis ni AJ noon ay kaagad na itong idinenay ng kanyang manager na si Jojo Veloso. Sabi nito, hindi raw buntis ang kanyang alaga na noon ay nagsusyuting ng pelikulang Sitio Diablo ni Direk Roman Perez, Jr.

At para rin mapabulaanan na hindi talaga totoong buntis si AJ ay naglabas ang kanyang kampo ng mga larawan kung saan flat na flat ang tiyan ng sexy star at hindi makikitang may baby bump dito. Yun nga lang, sabi ng marami, halatang luma na raw ang mga naturang photos.

“Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak alam ko lalaking-lalaki si Aljur kaya niya yan, pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ. Ang nakakanerbyos, baka mamaya may magsulsol kay Kylie Padilla dahil hindi pa napapawalang-bisa ang kasal nila,” dagdag pang sabi ni Tita Cristy.

“Korek kaya walang pag-aming naganap pero dyontis na kaagad, ganu’n?” tanong ulit ni Romel.

“Puwedeng kasuhan, Ate Cristy!” hirit naman ni Morly.

“Puwede, oo. At pagkakaso kay Aljur damay si AJ Raval,” tugon  ni Nanay Cristy.

“Kaya super deny dapat ito,” sabi ulit ni Romel.

READ: AJ Raval sa mga eskandalong tungkol sa kanya: ‘Wala na rin po akong masyadong pakialam’

Ayon pa kay Tita Cristy, “Walang nagsasalita sa magkabilang kampo. Tumigil na rin si AJ sa paglalabas ng mga larawan na flat na flat ang kanyang tiyan. Pero hindi po kasi makapagsisinungaling ang mga taong malapit sa kanila na aming source. Totoo po na nagdadalang-tao si AJ Raval kaya yung pelikula niyang sinimulan hindi na itinuloy. Naano lang ba ako na sayang ‘tong batang ‘to. Ang ganda ng entrada.”

“Ang ganda ng mukha, sexy. Inaalala ko rin si Jeric (Raval) ang kanyang dakilang ama. Lagi kasing sinasabi ni Jeric, ‘nakakaawa nga itong anak ko, eh. Bahay lang yan, bahay-trabaho lang at kapag nasasaktan, iniiyak na lang niya. Hindi siya yung basagulera.’ Pero alam mo nangyayari talaga kasi sa isang pamilya ang ganitong paghamon. Wala tayong magagawa talaga kung ang kapalaran ni AJ ay ang magdalang-tao ng wala sa panahon… ” pahayag pa ng beteranang kolumnista.