• Home
  • Fresh Scoops
  • Handa na si Christine Bermas sa kanyang sexy scenes sa ‘Scorpio Nights 3.’

Christine Bermas says she is wild in ‘Scorpio Nights 3’ but conservative in real life

Handa na si Christine Bermas sa kanyang sexy scenes sa ‘Scorpio Nights 3.’

Christine Bermas says she is wild in ‘Scorpio Nights 3’ but conservative in real life-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/02/2022 02:47 PM
Christine Bermas says she is wild in ‘Scorpio Nights 3’ but conservative in real life

May remake ang pelikulang Scorpio Nights na ginawa ni Direk Peque Gallaga noong 1985 at nagkaroon pa ng sequel taong 1999. Sa Scorpio Nights 1 ay bumida si Anna Marie Gutierrez. Si Joyce Jimenez naman ang sa Scorpio Nights 2.

Ngayong 2022 ay bibigyang buhay naman ni Christine Bermas ang karakter ni Pinay sa pinakasikat na erotic franchise  sa bansa.

“Nalaman ko siya nung nasa vacation ako that time at nagulat ako na in-offer siya sa akin. Naghalo na yung emotions na na-feel ko at na-excite ako na gawin itong film na ito. Kasi di ba, parang ang tagal na panahon na rin, dekada na rin halos bago siya ginawa ulit,”reaksyon ni Christine nang makausap siya ng PUSH nang malamang siya ang bibida sa remake ng  Scorpio Nights sa ginanap na presscon ng pelikula.


BASAHIN: Christine Bermas ‘all-in’ sa remake ng ‘Scorpio Nights’

Patuloy ni Christine, “Hindi po ako nag-audition for this. May  gagawin kasi ako dapat na project and then sinabi sa akin na out na daw po ako don kasi may ino-ffer siilang bago at ito nga yung Scorpio Nights.  Na-sad ako ng konti kasi kay Direk Joel  Lamangan yung movie and he is one of my favorite directors talaga.

“Pero natuwa ako  nung nalaman ko na ang ipinalit ay itong Scorpio Nights, kasi alam mo yon, pag narinig mo yung Scorpio Nights talagang nag-marka yung movie sa mga tao before talaga. Erotic film siya pero classic.”

Ginawang mas modern ang Scorpio Nghts 3 pero pattern pa rin ang istorya nito sa original Scorpio Nights.

“Yung Scorpio Nights 2 kasi ni Joyce Jimenez hindi ko napanood, hindi ko kasi ma-search, pero may nakita ako na konti lang. Pero napanood ko talaga yung Scorpio Nights ni Ms. Anna Marie Gutierrez bilang preparasyon.

“Itong Scorpio Nights 3 halos same siya sa Scorpio Nights 1, mas modern lang ng konti yung istorya nito, mas lumawak,” lahad ng sexy star.

Ang Scorpio Nights 3  ay istorya ni Pinay na  isang cam girl  na sinisilipan ng  kanyang kapitbahay na isang engineering student (Gold Aceron)  habang nakikipag-sex ito sa kanyang live-in partner (Mark Anthony Fernandez) at nang-aakit ng mga kliyente sa webcam.

Pero hindi aware si Gold na sinasadya ni Christine na ipakita ang lahat ng kanyang ginagawa para maakit din ito at lalo pang magnasa sa kanya.

Ani Christine, malayong-malayo ang karakter  niya sa pelikula  na sobrang wild kumpara  sa totoong buhay.

“Actually, ang laking difference, eh, ng karakter ni  Pinay sa ginagawa ko. Ako kasi in real life sobrang conservative ko as a person,” pagdidiin ni Christine. “Pero sini-separate ko talaga yung personal ko dito sa work, so ang ginagawa ko parang nagkakaroon ako ng split personality.

“Yung pagpapaseksi ko parang ibang Christine yon. Wala kaming pagkakapareho dito ni Pinay in real life,” diin pa niya.

Sa tanong kung hanggang saan ang ipinakita niya dito sa Peque Gallaga classic, sabi ni Christine, “Abangan na lang natin. Basta ang masasabi ko kaya kong ibigay lahat at kaya kong ipakita lahat para sa trabaho ko. Para sa akin ito yung sexiest na ginawa kong film pero hindi lang siya masasabi na basta sexy lang.”

READ: Christine Bermas on doing bold films: ‘Hindi naman habang buhay sexy star’

Samantala, Virgo at hindi Scorpio ang zodiac sign ni Christine.

“Medyo naniniwala ako sa  ganyan. Ang Virgo kasi malambing, ma-appeal daw. Ang mahirap lang, at parang medyo naging totoo sa akin sa Virgo, when it comes sa emotion medyo mahirap along mag-handle sa ganyan. Don ako sablay ng konti. Pero siguro naman habang tumatanda  tayo ay natututo din tayo na kontrolin yung emosyon natin,” pagbabahagi ng bida ng Scorpio Nights 3 na streaming sa Vivamax simula July 29.