• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Christine Bermas, ito na pinaka-daring na gagawin niyang pelikula.

Christine Bermas ‘all-in’ sa remake ng ‘Scorpio Nights’

Ayon kay Christine Bermas, ito na pinaka-daring na gagawin niyang pelikula.

Christine Bermas ‘all-in’ sa remake ng ‘Scorpio Nights’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/01/2022 12:02 PM
Christine Bermas ‘all-in’ sa remake ng ‘Scorpio Nights’
Photo credit: @christinebermas_ Instagram

Matindi ang expectations at pressure ngayon kay Christine Bermas dahil sa kanya ipinagkatiwala ng Viva Films ang pagbibida sa remake ng classic sexy drama film na Scorpio Nights na tatawaging Scorpio Nights 3.

Ang unang Scorpio Nights noong 1985 ay pinagbidahan ni Anna Marie Gutierrez at idinirek ni Peque Gallaga. Ang sumunod na version naman ng Scorpio Nights noong 1999 ay pinagbidahan naman ni Joyce Jimenez at idinirek ni Erik Matti. Ang naturang pelikula rin ang nagluklok kay Joyce para tawagin siyang “Pantasya ng Bayan” sa showbiz.

Ayon kay Christine sa interview ng PUSH, na-shock siya nang ibigay sa kanya ng Viva ang Scorpio Nights 3.


“Hindi po ako makapaniwala. Parang… sino ba naman ako? Wala pa naman akong napapatunayan pero sa akin nila ipinagkatiwala ang remake ng isang malaking pelikula,” reaksyon ng sexy star.

“Grateful and sobrang blessed po ako ngayon. Sana maibigay ko yung expectations nila at magawa ko nang maayos yung role ko na masasabi ko po siguro na pinaka-daring na gagawin ko sa buong buhay ko,” dagdag pa ng 19-anyos na dalaga.

READ: Christine Bermas on doing bold films: ‘Hindi naman habang buhay sexy star’

Handa si Christine na gawin ang lahat ng ipagagawa sa kanya ng direktor na si Lawrence Fajardo sa nasabing pelikula lalo na pagdating sa nudity.

“All-in po ako dito. Kung ano ang kailangan sa eksena gagawin ko,” paniniguro niya.

Ibinulong sa amin ni Christine ang isang eksena sa Scorpio Nights 3 na medyo napaisip siya ng konti kung gagawin ba niya o hindi. Pero pagkatapos daw niyang mabasa ang buong script ay umokey na siyang gawin ito.

“Yung Scorpio Nights 3 kasi ay may konek don sa unang Scorpio Nights. Mas bolder siya at may eksena na yung character ko is… Ano kasi, sa scene na yon kailangang maipakita kung gaano ka-sabik yung girl sa lalaki… so yon,” biting kuwento niya.

Samantala, aware si Christine na unang in-offer ng Viva kay AJ Raval ang Scorpio Nights 3.

“Aware po ako na ibinigay yung project kay AJ Raval. Aware po ako dun. Nung day pa lang na in-offer siya sa akin, pressured na pressured na ako!

“Siyempre natuwa po ako, and honestly, medyo naging emotional. Sobrang thankful po ako na napunta sa akin ang project na ito,” lahad pa niya.

BASAHIN: AJ Raval hindi na muna tatanggap ng sexy roles

Baka hindi kakayanin ni AJ ang mga eksena sa Scorpio Nights 3 kaya sa kanya ibinigay ng Viva?

Tugon niya, “Well, feeling ko naman po is kaya ni AJ Raval. Siguro, may some reason lang na… that’s why. Kasi yon nga, babalik siya sa pag-aaral kaya siguro ganun.

“And for me naman po kasi, hindi naman po sa kinuha ko yung para kay AJ Raval. Siguro, may reason din si God.”

Siniguro naman ni Christine na walang magbabawal sa kanya na gawin ang mga mapangahas at mapupusok na eksena sa Scorpio Nights 3.

“Ay, wala po! Wala po… wala po. Wala rin po akong boyfriend kaya walang magbabawal sa akin. Kaya kong gawin lahat,” pagdidiin pa niya.