• Home
  • Fresh Scoops
  • Kinailangan mag-ahit ni Cong Velasquez para sa anak nila ni Viy Cortez na si Kidlat.

CongTV at Viy Cortez, ipinakita ang anak na si Kidlat sa unang pagkakataon; Cong, kinailangang mag-ahit para kay Kidlat?

Kinailangan mag-ahit ni Cong Velasquez para sa anak nila ni Viy Cortez na si Kidlat.

CongTV at Viy Cortez, ipinakita ang anak na si Kidlat sa unang pagkakataon; Cong, kinailangang mag-ahit para kay Kidlat?-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

07/13/2022 08:57 AM
CongTV at Viy Cortez, ipinakita ang anak na si Kidlat sa unang pagkakataon; Cong, kinailangang mag-ahit para kay Kidlat?
Photo credit to Cong TV YouTube and @viycortez Instagram

Ipinakita nina Cong Velasquez at Viy Cortez sa unang pagkakataon ang mukha ng anak nila na si Kidlat. 

Maraming fans ang nagulat matapos ipasilip ni Cong sa kanyang mga tagahanga ang mukha ng anak nila ni Viy na si Kidlat. 

Ito ay matapos ang isang linggo mula nang isilang ni Viy ang panganay nilang anak. 


Ang buong pag-aakala ng mga fans ni Cong, tanging behind-the-scenes lamang para sa music video ng “Ligaw Tingin” ng isa sa mga kaibigan ni Cong na si Zildjian ang ipapakita dito.

Matapos ang shoot ng music video, nakipagkulitan muna si Cong sa misis niyang si Viy. 

READ: CongTV with son Kidlat

Kinailangan munang mag-ahit ni Cong bago niya puntahan si Kidlat para mahalikan niya ang kanyang anak. 

Madalas kasing nakaka-irritate sa balat ng mga bagong panganak na bata ang mga buhok sa mukha gaya ng balbas at bigote. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Samantala, bumuhos naman ang pakikisaya ng mga tagahanga nina Cong at Viy dahil sa pagkakataong ibinigay nila na masilayan ang kanilang mga anak. 

“The moment Kidlat heard his Father's laugh... Haaaay. I'm sure heaven ang feeling ng proud parents. Congrats, CongTViy! Kidlat's smile can definitely make anyone's day brighter,” ani Rechelle Joyce Guevarra. 

“12 days ko tong hinintay na vlog mo Cong! Sobrang nakakahappy naman! Pogi ni Kidlat!  Sobrang adik na ako sa inyo ni Viy ‘tas my Kidlat na ngayon! Kayo yung happy pill ko sa pregnancy journey ko ngayon! Will continue to admire and support your family,” saad naman ni Dessa T. Maliban. 

READ: Viy Cortez, Cong TV welcome first child

“Cuteness overload si kidlat!!! Nakakagigil sa ka cute-an! at yung time na narinig niya boses ng daddy niya bigla siyang napangiti.. ang galing ng timing! kakamiss magkababy,” sey naman ni Shenly Crisostomo.