• Home
  • Fresh Scoops
  • Lubos na ipinagmamalaki ni Lotlot de Leon ang bagong karangalang natanggap ng kanyang ina na si Nora Aunor.

Lotlot de Leon, very proud sa bagong achievement ni Nora Aunor

Lubos na ipinagmamalaki ni Lotlot de Leon ang bagong karangalang natanggap ng kanyang ina na si Nora Aunor.

Lotlot de Leon, very proud sa bagong achievement ni Nora Aunor-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/11/2022 11:11 AM
Lotlot de Leon, very proud sa bagong achievement ni Nora Aunor
Photo credit to @ms.lotlotdeleon Instagram

Sobrang proud ang panganay na anak ni Nora Aunor na si Lotlot de Leon sa pagkilalang ibinigay sa kanyang ina bilang National Artist for Film. Ang National Artist award ang itinuturing na pinakamataas na pagkakilalang ibinibigay sa mga Pilipinong indibidwal na nagbigay ng makabuluhang kontribusyon sa sining at kultura ng bansa.

“Oo, proud. Everyone is…  We are all proud of her. Her family is very proud of her,” pagmamalaki ni Lotlot nang maging panauhin siya sa Magandang Buhay hosted by Jolina Magdangal and Melai Cantiveros nitong July 8, 2022.

READ: Nora Aunor nahirapang huminga at laging naka-oxygen


Ginanap ang pormal na pagbibigay ng parangal kay Nora at sa pito pang honorees ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang Palace noong June 17, 2022.  Pero dahil sa isang karamdaman ay hindi nakadalo dito  ang Superstar. Ang mga anak ni Nora na sina Ian de Leon, Matet de Leon, Kenneth at Kiko ang present sa National Artist conferment para i-represent ang Superstar.

“My mom is grateful for the award na ibinigay nila sa kanya. At grateful lang. Beyond words,” sabi pa ni Lotlot.

Ikinalungkot ng marami na hindi si Nora ang tumanggap ng kanyang  plake noong June 17 pero after nung mga sumunod na araw ay nagawa na niyang magpunta ng Malacañaang para personal na pasalamatan si Pangulong Duterte.

READ: Nora Aunor: ‘Nagiging malakas po ang pakiramdam ko dahil sa mga dasal ninyo’

“So, maraming salamat lang sa lahat ng nagtitiwala, sa lahat ng nagmamahal hanggang ngayon. Sa lahat ng ipinaglalaban si Mommy. So, maraming salamat sa inyong lahat,” pahayag ng aktres.

Bukod sa pagkilala kay Nora bilang National Artist for Film ay ikatuwa rin ng mga Noranians at ng netizens na natapos na ang matagal nang alitan sa kanilang dalawang mag-ina.

Sa katunayan, si Lotlot pa nga ang nagbantay kay Nora habang naka-confine ito sa ospital. 

Nananatili namang tahimik ang panganay na anak ni Nora sa pagbibigay ng detalye kung paano sila nagkabati ng Superstar.