Nora Aunor nahirapang huminga at laging naka-oxygen

Kasalukuyang nasa ospital daw so Nora Aunor.

Nora Aunor nahirapang huminga at laging naka-oxygen-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/25/2022 07:00 PM
Nora Aunor nahirapang huminga at laging naka-oxygen

Hanggang ngayon ay walang direktang makapagsabi mula sa mga taong malalapit kay Nora Aunor kung ano ang totoong karamdaman ng Superstar. As of this writing ay naka-confine pa rin daw sa isang ospital ang Superstar para magpahinga at maobserbahan ng mga doctor ang kalagayan. 

Ayon sa beteranang showbiz columnist at radio host na si Cristy Fermin, nahihirapan daw huminga si Nora. Ito raw ang dahilan kung bakit hindi siya pinayagan ng mga doctor na lumabas ng hospital para magpunta sa Malacanang Palace at personal na tanggapin ang plake ng pagkilala bilang National Artist for Film noong June 16. 

Read: Nora Aunor, pinasalamatan ang mga taong ipinaglaban siya para maging National Artist


Si Tita Cristy ay isa sa masugid na tagahanga ng Superstar nung panahon ng kanyang kabataan na hindi naman nagbago kahit pa nakilala na niya nang personal ang aktres nung naging writer at showbiz talk show host na siya. 

“Kaya nung nalaman ko na hindi siya nakakahinga nang maayos, lagi siyang naka-oxygen, hanggang sa dalhin na sa ospital at binabantayan na, parang ang lakas-lakas ng suntok sa puso ko talaga,” emosyunal na kuwento ni Tita Cristy sa kanyang programa na aminadong napaiyak nang malaman ang kalagayan ng iniidolo. 

Ayon pa kay Tita Cristy, excited ang award-winning actress na tanggapin ang pinakamataas na parangal sa kanya bilang alagad ng sining sa bansa kaya pinaghandaan din daw niya ito. 

“May sakit naman si Nora Aunor. Hindi naman niya kaya. Pinaghandaan niya ito, sabi nga ng mga anak niya nagpagupit pa raw ng buhok. Matagal na niyang pinaghandaan ang pinakamataas na antas ng parangal sa kahit sinong artista,” ani ni Tita Cristy. 

Dagdag pa niya, “Nagpagawa pa raw ng damit, pero pagdating nung awarding, hindi niya kakayanin. Sabi, ayaw payagan ng mga doktor niya si Nora Aunor na umalis at lumabas ng ospital.” 

Read: Lotlot de Leon nakipag-ayos kay Nora Aunor, binantayan ang inang may sakit

Samantala, ikinatuwa naman ng mga tagahanga ni Nora ang ginawang ginawa ni Lotlot de Leon na alagaan ang bantayan ang kalagayan ng ina sa ospital. Matatandaang matagal na hindi kinakausap ni Lotlot  ang kanyang adoptive mother dahil sa personal na isyu. 

Hanggang ngayon ay wala ring pahayag mula sa kampo ni Lotlot kung paano sila nagkaayos ni Ate Guy. Pero ang importante raw sa lahat ay naging okey ang dalawa sa panahong higit na kailangan ng ina ang kanyang anak.