Nora Aunor, kinilala bilang bagong National Artist | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nora Aunor, kinilala bilang bagong National Artist

Nora Aunor, kinilala bilang bagong National Artist

-- Choose an Author --

Clipboard

Pormal nang inanunsyo ng Malacañang at ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA ang mga bagong hirang na National Artist ng Pilipinas.

Sa naging anunsyo ng NCCA, ipinakilala bilang bagong mga National Artist sina Fides Cuyugan Asensio para sa musika, Ricardo Lee at Gemino Abad para sa panulat at literatura, Agnes Locsin para sa sayaw, at ang iconic actres na si Nora Aunor para sa pelikula.

Kasama rin sa mga pagkilala bilang bagong hanay ng National Artist ay ang mga yumaong personalidad na sina Marilou Diaz Abaya sa pelikula, Tony Mabesa sa teatro, at si Salvacion Lim Higgins para sa fashion.

Matatandaan na sa huling ulat ng PUSH kay Nora Aunor, inamin nito na hindi nito inasahan ang mapasama pa sa hanay ng mga national artist.

ADVERTISEMENT

“Alam niyo po, kahit na sabihin ko man na noon pa man, nababalita na ako po ay inominate sa pagiging national artist, ako po naman ay talagang hindi umaaasa. Yan po ang totoo niyan,” sambit ni Nora sa ulat ng PUSH.

Dahil sa mahabang proseso, batid rin ng Superstar na marami pang karapat-dapat na maging National Artist.

“Pero sa aking paniniwala, mayroon pang ibang artists siguro na mas karapat-dapat po kaysa sa akin na kanilang hihirangin bilang national artist.”

Sa huli isa lang ang naging mensahe noon ng nag-iisang superstar sa patuloy na naniwala sa kaniyang talento bilang isang aktres.

“Nag papasalamat po ako sa mga tao na naniniwala sa aking sining, at naniniwala na kung karapat dapat ako na sinasabi nga nila na maging national artist. Hayaan na po natin na ang diyos ang magpatunay niyan at kung yan at talagang ipagkakaloob sa atin talagang ibibigay po sa atin iyan. Kung hindi naman, hindi naman,” pahayag ng superstar.

Ang pagka-National Artist ni Nora ay base na rin sa kaniyang ‘di mabilang na pagbibigay parangal sa Pilipinas mula sa loob at labas ng bansa mula sa kaniyang pag bida sa nga markadong pelikula tulad na lamang ng Minsa’y May Isang Gamu-Gamo, Ina Ka Ng Anak Mo, Bona, at ang timeless at classic movie na Himala.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.