Nora Aunor, ’hindi umaasa’ na maihanay sa mga National Artist | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nora Aunor, ’hindi umaasa’ na maihanay sa mga National Artist

Nora Aunor, ’hindi umaasa’ na maihanay sa mga National Artist

Kiko Escuadro

Clipboard

Sa pagbubukas ng 2021, muling isinusulong ng ilang grupo at fans ang Superstar na si Nora Aunor na maipasama siya sa hanay ng mga National Artist for Film and Broadcast Arts.

Matatandaan na sa nakalipas na mga taon, dalawang beses na nominado ang Superstar sa pagka-National Artist, pero, dalawang beses din itong hindi na-aprubahan.

Sa isang panayam, inamin ng Superstar na malaki ang pasasalamat niya sa mga nominasyong nakukuha at ilang grupo na nagsusulong ng kanyang pangalan upang maging national artist.

Pero, pag-amin ng aktres, hindi na siya umaasa na maging bahagi siya ng mga national artist ng bansa.

“Alam niyo po, kahit na sabihin ko man na noon pa man, nababalita na ako po ay inonominate sa pagiging national artist, ako po naman ay talagang hindi umaaasa. Yan po ang totoo niyan,” sambit ni Nora.

ADVERTISEMENT

Paliwanag rin ng aktres: “Pero sa aking paniniwala ,mayroon pang ibang artists siguro na mas karapat-dapat po kaysa sa akin na kanilang hihirangin bilang national artist.”

Ang nominasyon sa pagka-National Artist ni Nora ay base na rin sa kaniyang ‘di mabilang na pagbibigay parangal sa Pilipinas mula sa loob at labas ng bansa mula sa kaniyang pag bida sa nga markadong pelikula tulad na lamang ng Minsa’y May Isang Gamu-Gamo, Ina Ka Ng Anak Mo, Bona, at ang timeless at classic movie na Himala na tumatak sa maraming Pilipino.

At kahit na ilang beses na hindi na aprubahan ang pagkilala sa National Artist, patuloy ang pasasalamat ng aktres sa pagtangkilik sa kaniyang mga ginagawang proyekto.

“Nag papasalamat po ako sa mga tao na naniniwala sa aking sining, at naniniwala na kung karapat dapat ako na sinasabi nga nila na maging National Artist. Hayaan na po natin na ang Diyos ang magpatunay niyan at kung yan at talagang ipagkakaloob sa atin. talagang ibibigay po sa atin iyan. Kung hindi naman, hindi naman,” pahayag ng aktres.

Isa si Nora Aunor sa mga naging bahagi ng 2020 Metro Manila Film Festival kung saan bumida siya sa Isa Pang Bahaghari.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.