• Home
  • Fresh Scoops
  • Vlogger Toni Fowler finally airs her side about the controversy between her and ex-couple and vloggers King Badger and Jelai Andres.

Toni Fowler reveals attempting suicide after relationship with Ex Battalion member King Badger

Vlogger Toni Fowler finally airs her side about the controversy between her and ex-couple and vloggers King Badger and Jelai Andres.

Toni Fowler reveals attempting suicide after relationship with Ex Battalion member King Badger-Rhea Manila Santos
BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

05/28/2022 01:26 PM
Toni Fowler reveals attempting suicide after relationship with Ex Battalion member King Badger
Photo credit to @tonifowlerpo Instagram

CONTENT WARNING: This article contains discussions about suicide, self-harm, and alcoholism.

Three years after she was identified as the third party in the relationship of Ex Battalion member Jon Gutierrez (also known as King Badger) and Jelai Andres, Toni Fowler finally aired her side regarding the issue. The controversial YouTuber gave a tell-all interview on Toni Gonzaga’s vlog about how her connection to King Badger all started in 2016 when she initially thought he was single. 

“Nung time na nagpalitan kami ng mga sexy videos, hindi kasi hindi naman sila ganun kakilala noon eh. Hindi rin ako ma-social media pero siyempre madaming nagsasabi na imposible kasi kilala sila. Hindi talaga eh kasi galing ako sa puro trabaho tapos bigla ko siyang pinasok. So nung nalaman ko tinry ko lumayo.


“Pero ang pinakamalaking maling ginawa ko sa buhay ko is nag-comfort ako ng bagong break up. Ang sabi kasi break eh. Nung time na tumira sa akin yung lalake, sabi ko sa kanya, ‘Bakit magwawala yung babae kung break na kayo? Sabi mo para na lang sa sponsors, para na lang sa Facebook kaya kayo eh.’

“Kaya ako naman si uto uto, siyempre ilang taon pa lang ako nun, naniwala ako na mahal ako neto. Naniwala ako. Ang tanga ko eh. So pinaalis ko talaga siya nun. May mga saksi talaga nun nung sinabi ko na ‘Umuwi ka na dun sa babae kasi parang kayo eh. Sinungaling ka.’ Tapos lumuhod siya sa akin. Hindi ko makakalimutan yun.

“Magsasalita na talaga ako kasi ang tagal kong nananhimik diyan. Three years akong nilubog ng isyu na yan,” she admitted in her Toni Talks interview.

READ: Vlogger Toni Fowler gives a tour of her new mansion: ‘Welcome to Toro de Palacio’

When news broke out about online, Toni recalled King Badger apologizing for bringing her into his mess.

“Lumuhod siya, ang sabi niya sa akin, ‘Pasensiya na kung nadamay ka. I’m very sorry.’ Tapos iyak ako ng iyak. Tapos sabi niya, ‘Puwede ba may pakiusap ako sa iyo? Puwede bang walang makakaalam ng totoong nangyari? Wala kang sasabihin, puwede bang tumahimik ka lang?’ Nanahimik ako. Three years.

“Alam mo may nangyari pa nga na pinost niya yung girlfriend niya nung time na yun, pinost niya na nakapang-wedding dress. Ang caption niya, ‘Ikaw talaga ang babaeng dapat pakasalan.’ Nag-message ako. Sabi niya kasi, ‘Gustong gusto ko na bumalik sa ‘yo. Para lang ito for fame, for our projects, kasi bayad kami dito. Hindi na talaga kami okay.’

“So nahihirapan siya.  Kasi may part na kahit pinaalis ko siya, parang naniniwala pa ako. Tanga ko talaga. Madiin tanga, inutil, uto uto. Kaya nung time na yun sabi ko, ‘Ano ‘to?’ Sabi niya, ‘Hindi naman ako nag-post niyan. Siya eh.’ Naniniwala pa din ako.

“Bago pa lang sila ikasal, bago pa nangyari yun, parang isang buwan, dalawang buwan mula nung umalis siya sa akin, naisip ko ay parang tama na ‘to, kalokohan na ‘to. Nagpalit ako ng number. Kinut ko talaga lahat ng communication ko sa kanya. Lahat ng naging barkada ko na mga social media artists na nakasama namin na walang nagsalita para ipagtanggol ako, kinut ko,” she recalled.

WATCH: Toni Fowler: ‘Hindi ako nagbayad sa award ko’ | PUSH Daily

Aside from being the target of bashers online, Toni said she could not believe that they would also hurl threats against her daughter Tyronia.

“Nasaktan ako nung may nag-post na ng picture ng anak ko. Tapos sinabi na, ‘Sana ma-rape yung anak mo,’ mga ganun. ‘May anak ka ng tao, ganyan ka pa.’ Parang pakiramdam ko may bumubulong na sa utak ko na parang wala akong kuwentang nanay. Parang dapat mamatay ka na lang eh. Kahihiyan ng anak mo yung mga ginagawa mo,” she said. 

READ: Vlogger Toni Fowler slams DJ Loonyo’s claims: ‘Wag ka nang mambaliktad’

During this time, Toni blamed herself and even attempted suicide because of all the backlash she and her daughter received.

“Kasalanan ko rin eh. Hindi ko expected na ganun. Nagtiwala ako agad sa mga kasama ko. Walang nagsalita. Nakikiusap ka. Triny ko patayin yung sarili ko. May kinuha akong blade. Puro ako dugo nun, parang bahala na. Parang mamatay na lang ako. Kasi may bumubulong na sa akin eh. Para na akong nabubuang.

“Three days akong hindi kumain pero nagtutubig ako. Puro lang ako yosi nun. Tapos parang may bumubulong sa akin na ‘Mamatay ka na lang. Wala ka namang kuwentang nanay eh. Kasi kalalakihan yan ng anak mo. Once na nasa internet na yan, nasa internet na yan.’

“Na-ospital talaga ako nun. Na-stitch yun. One month akong may alcohol problem. Inom ako ng inom. Ang nakakainis pa dito, nung naglaslas ako, habang nasa gimikan ako, pupunta pa talaga yung lalake. Pagkatapos niya magpa-tattoo ng malaking mukha nung babae, sasabihin niya ako pa rin talaga. Gaganun siya. Iiyak na lang ako kasi lasing ako eh. Pinupuntahan pa niya ako sa trabaho ko. Kaya parang gulong gulo yung utak ko,” she explained. 

Her wakeup call came in the form of her older sister Marie threatening to put her into rehab for alcoholism.

“Nung sinabi ng ate ko na, ‘Toni, iri-rehab na kita kasi araw-araw ka na nag-iinom.’ Akala ko kasi yung rehab mga addict lang eh. Hindi pala. Kasi paggising ko iinom ako. Tapos mamaya wala akong kinakain iinom ako ulit.

“Gusto ko matulog. Ayoko mag-cellphone. Ayoko ng mabasa yung sinasabi ng mga tao. Pero ang pinakamasakit kasi dun nanahimik ako di ba?

“Nawalan ako ng shows, nagalit sa akin manager ko, maraming mga ayaw sa akin. Pero yung nakasira ka ng relasyon ng iba, personal, iba yun. Mali eh. Kasi bilang babae hindi ka dapat nananakit ng kapwa mo babae,” she added. 

Toni also shared her last encounter with King Badger in 2019 which confirmed to her that leaving him was the best decision.

“After three years bigla siyang nagpakita sa tapat ng bahay namin. Dun ako nagsalita. Isipin mo after three years biglang andiyan siya kasama ang barkada niya. Kinasal na siya at lahat.

“Alam mo natawa na lang ako. Kasi pagkakita niya ang unang tanong niya sa akin, ‘Nagpagawa ka ulit ng boobs?’ Sa isip isip ko, ‘Kasal ka na, suso ko pa rin nasa isip mo?’

“Hanggang sa kumalat ulit yun na nagpunta siya. Hindi ko alam anong nangyari. Kumalat na pinuntahan ako. Pero madami ng dagdag bawas na nakipag-check in ako, na kailangan na akong makasuhan kasi may asawa na yung tao. Hanggang sa ayun na, nag-live na kami. Nag-away away na kami. Lumabas na yung scandal ko, yung video ko. Inamin ko lahat,” she admitted.

Watch the vlog here:

In the vlog, Toni also shared what lessons she has learned from that challenging time in her life.

“Natutunan ko na kailangan bilang babae, huwag ka mananakit ng kapwa mo babae. Pangalawa, huwag kang mag-co-comfort ng lalakeng galing sa breakup. Kasi pupuwedeng panakip butas ka lang. Hindi lahat ng pinapakita niyang pagmamahal ay totoo. Pupuwede kasing kailangan ka lang, yung ganun. Huwag mo din masyado palakihin yung mundo mo. Kasi yung sobrang laking mundo, madaming mga tao diyan na sisirain ka talaga,” she shared.

* If you or a loved one is in need of help, the National Center for Mental Health (NCMH) has trained respondents to properly deal with those in need. Contact the hotline at 0917-899-USAP (8727) / 0917-989-8727. You can also contact HopelinePhilippines at (02) 804-HOPE (4673), 0917 558 HOPE (4673), 2919 (Toll free for Globe, TM)