• Home
  • Fresh Scoops
  • Naging malapit sa isa’t-isa sina Sharon Cuneta at Julia Montes habang nagtatrabaho sa seryeng ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

Sharon Cuneta, sinabing si Julia Montes ang nagpupuno ng puwang sa kanyang puso

Naging malapit sa isa’t-isa sina Sharon Cuneta at Julia Montes habang nagtatrabaho sa seryeng ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

Sharon Cuneta, sinabing si Julia Montes ang nagpupuno ng puwang sa kanyang puso-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

04/05/2022 08:56 AM
Sharon Cuneta, sinabing si Julia Montes ang nagpupuno ng puwang sa kanyang puso
Photo credit to @reallysharoncuneta Instagram

Ibinahagi ni Sharon Cuneta ang dahilan kung bakit si Julia Montes ang isa sa pinaka-close niya sa mga batang artista ngayon.

Sa isang Instagram post, sinabi ng Megastar na nakikita niyang si Julia ang pinakamalapit sa kanya kung ikukumpara ang sarili sa iba.


Nagkatrabaho sina Sharon at Julia sa long-running ABS-CBN series na FPJ’s Ang Probinsyano at pag-amin ni Mega, mas naging malapit sila sa isa’t-isa dahil sa nasabing programa.

“I love talking with her, sharing secrets, laughing with her, being loved by and loving her. I’ve worked with other younger stars and loved them all, but Julia is the one who is most like me,” paglalarawan ni Mega kay Julia.

Pagbababahagi pa ni Sharon, nakikita niyang may magandang kalooban si Julia.

READ: Sharon Cuneta is all praises for Julia Montes: 'Love this girl!'

"She has a beautiful heart, a beautiful soul,” aniya. “Sweet, bungisngis, funny, just fun to be with. Always there for me as I am for her,” dagdag pa ni Sharon.

Sinabi rin ni Sharon na aalagaan at poprotektahan niya si Julia kahit anong mangyari.

“I love you, baby ko. I will always take care of you and protect you,” ani Sharon.

Naniniwala naman umano si Sharon na magtatagal ang kanilang pagkakaibigan hanggang sa dulo.

“I have a feeling I will love this beautiful girl forever and that our friendship will go well beyond work and will last a lifetime. I love you, baby ko,” saad ni Sharon.

Samantala, hindi rin umano papakawalan ni Sharon si Julia para apat na umano ang kanyang babaeng anak. May tatlong anak na babae si Sharon: sina KC Concepcion, Frankie Pangilinan, at Miel Pangilinan.

“Akin ka na lang! Para apat na ang baby girls ko! I really always miss you kahit magkapitbahay lang tayo sa Ilocos. Take care and see you soon! I looooove you,” ani Sharon.