• Home
  • Fresh Scoops
  • Masaya rin sina Teresa Loyzaga at Sunshine Cruz sa pagpapakumbaba ni Diego Loyzaga sa amang si Cesar Montano.

Teresa Loyzaga, Sunshine Cruz; masaya sa pagkakaayos nina Diego Loyzaga at Cesar Montano

Masaya rin sina Teresa Loyzaga at Sunshine Cruz sa pagpapakumbaba ni Diego Loyzaga sa amang si Cesar Montano.

Teresa Loyzaga, Sunshine Cruz; masaya sa pagkakaayos nina Diego Loyzaga at Cesar Montano--- Choose an Author --
BY
-- Choose an Author --

FRESH SCOOPS

03/05/2022 08:19 PM
Teresa Loyzaga, Sunshine Cruz; masaya sa pagkakaayos nina Diego Loyzaga at Cesar Montano

Kasabay nang naging paghingi ng tawad ni Diego Loyzaga sa kaniyang ama na si Cesar Montano, nagpahayag ng kaniyang kasiyahan ang ina ni Diego na si Teresa Loyzaga.

READ: Diego Loyzaga reconciles with dad Cesar Montano

Sa naging Instagram story ni Teresa nitong Biyernes March 4 kasunod ng viral social media post ni Diego, isang simple at makahulugang childhood photo ng anak ang ibinigagi ng veteran actress.


PHOTO COURTESY: @teresaloyzaga IG

Ibinahagi ni Teresa ang baby picture ni Diego habang karga ng ama na si Cesar.

Samantala, isang “like” sa IG post ni Diego ang iniwan ng ex wife ni Cesar na si Sunshine Cruz sa naging paghingi ng tawad ni Diego sa ama.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Sa caption ng aktor, humingi si Diego ng paumanhin dahil sa kaniyang padalos-dalos na aksyon at desisyon sa away-bati nilang relasyon ng ama.

“7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again. I apologise for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, I would,” sambit ni Diego sa post. 

Ibinahagi rin ng aktor ang pagpapahalaga sa kaniyang pamilya.

“One thing we can do is make up for it. It was so good to see you and play ball with you today. Value your family and loved ones today for tomorrow is not promised.”

Aminado si Diego na bilang isang anak, kulang aniya ang salitang “sorry” para bawiin ang mga panahong nawala.

“As I mature, the more I wish saying sorry was enough to fix all of the world’s problems. Just peace and love and nothing else matters,” pahayag ni Diego sa post.

Matatandaan na noong November 2020 sa naging panayam ng PUSH kay Cesar, inihayag nito na isa sa mga hiling niya ang kapatawaran ni Sunshine at ng mga anak. 

READ: Cesar Montano, hiling ang kapatawaran ni Sunshine Cruz