• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinabulaanan nina Aljur Abrenica at AJ Raval ang mga kumakalat na tsismis sa kanilang pananatili umano sa isang hotel.

Aljur Abrenica at AJ Raval, hindi umano nanatili sa hotel; dumalo lang sa isang event sa probinsya

Pinabulaanan nina Aljur Abrenica at AJ Raval ang mga kumakalat na tsismis sa kanilang pananatili umano sa isang hotel.

Aljur Abrenica at AJ Raval, hindi umano nanatili sa hotel; dumalo lang sa isang event sa probinsya-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/20/2022 07:00 PM
Aljur Abrenica at AJ Raval, hindi umano nanatili sa hotel; dumalo lang sa isang event sa probinsya
Photo credit: DORELCO and Haiyan Hotel Facebook page

Naglabas ng pahayag ang isang electric cooperative na siyang nag-imbita kina Aljur Abrenica at AJ Raval sa Leyte kamakailan. Ito daw ang totoong dahilan ng pagbisita ng dalawa sa nasabing probinsya. 

Matatandaang kumalat ang mga litrato nina Aljur at AJ kamakailan sa isang hotel at resort sa Tanauan noong nakaraang linggo. 

TINGNAN: Aljur Abrenica at AJ Raval, spotted sa isang hotel sa Leyte


Mismong ang Don Orestes Romualdez Electric Cooperative, Inc. (DORELCO) ng bayan ng Tolosa ang nagkumpirma na nagpunta sina Aljur at AJ sa Leyte upang dumalo sa inagurasyon ng DYAL Radyo Kidlat 90.3 Light FM. 

Base sa inilabas na pahayag ng DORELCO, pinaunlakan umano nina Aljur at AJ ang ribbon cutting ceremony at blessing para sa radio booth ng nasabing istasyon maliban sa intermission number nila para sa nasabing programa. 

Ipinaliwanag din ni Aljur sa isang virtual press conference sa bago nitong pelikula.  

“We were blessed to grace their inauguration, may bago silang bukas na radio station,” paliwanag ni Aljur sa PEP. 

“Eh wala, trabaho ‘yun eh. Pupuntahan ko,” saad niya. 

Pinabulaanan din ni Aljur ang mga spekulasyon tungkol sa umano’y pananatili nila doon sa nasabing hotel na umabot ng ilang araw. 

“‘Yung hotel na yun, nagulat ako, kumain lang kami dun ‘ta’s nagbihis lang to freshen up para sa show,” dagdag pa ni Aljur. 

“Siyempre, Valentine’s, nagkataon lang. Hindi. Sila lang ang gumagawa ng drama na ‘yan. Kung anong gusto nilang makita, tingnan nila. Pero trabaho po yun, trabaho po yun para sa mga cooperatives,” aniya. 

Kinumpirma din ito ng DORELCO na sinabing dumaan lamang sina Aljur at AJ sa nasabing restoran.