• Home
  • Fresh Scoops
  • Spotted sina Aljur Abrenica at AJ Raval sa isang hotel sa Leyte sa Araw ng mga Puso.

TINGNAN: Aljur Abrenica at AJ Raval, spotted sa isang hotel sa Leyte

Spotted sina Aljur Abrenica at AJ Raval sa isang hotel sa Leyte sa Araw ng mga Puso.

TINGNAN: Aljur Abrenica at AJ Raval, spotted sa isang hotel sa Leyte-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/14/2022 02:46 PM
TINGNAN: Aljur Abrenica at AJ Raval, spotted sa isang hotel sa Leyte
Photo credits to Haiyan Hotel and Resort on Facebook

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga litrato nina Aljur Abrenica at AJ Raval na kuha mula sa isang hotel sa Leyte. 

Kuha ang mga nasabing larawan sa bayan ng Tanauan sa Leyte sa mismong Araw ng mga Puso.


Game na game na nagpa-picture ang dalawa sa mga hotel staff kasama na ang CEO ng naturang hotel pati na ang ilang fans.

Sa ngayon, wala pang impormasyon tungkol sa totoong dahilan ng pamamalagi nina Aljur at AJ sa nasabing hotel. 

Una nang sinabi ni AJ sa kanyang panayam sa Pika-Pika Disyembre noong nakaraang taon na walang namamagitan sa kanila ni Aljur. 

“Si Aljur po, wala naman po kaming relasyon ni Aljur. Never naman po naming sinabi na may relasyon kami ni AJ at nag-uusap lang naman po kami. Wala po kaming relasyon. Sarado na rin naman po ’yon. Nasabi na rin po nilang dalawa ’yong mga gusto nilang sabihin,” ani AJ. 

Sa parehong panayam, sinabi ni AJ na hindi umano niya priority ang pagkakaroon ng relasyon kay Aljur. 

“Sa ngayon, parang pareho po kaming may dapat may i-prioritize, may mga problem na dapat unahin... inuuna po namin ’yong mga bagay na yan,” saad ni AJ. 

Gayunpaman, inamin ni AJ na nililigawan siya ni Aljur at hindi niya itinanggi ang posibilidad na ma-inlove siya dito. Nangyari ang panayam dalawang buwan bago nito sabihin na hindi prayoridad ang pagpasok sa isang relasyon kay Aljur. 

"Possible naman po na ma-in love ako sa kanya,” ani AJ sa isang panayam niya sa DZRH. 

‘Napakabuting tao’: AJ Raval, posible umanong ma-in love kay Aljur Abrenica

Matatandaang isa sina Aljur at AJ sa mga celebrity couples na pinag-usapan noong nakaraang taon matapos madawit ang pangalan ng huli sa hiwalayan ni Aljur sa asawa nito na si Kylie Padilla.

Agad naman itong pinabulaanan ni AJ na sinabing wala siyang kinalaman sa hiwalayan ng dating mag-partner. 

“Just to be clear, hindi ako ang naging third party. Okay guys? Mabuti akong tao at hindi ko kayang gumawa ng masama, kung maka bash naman kayo parang nakapatay ako ng tao hahaha," paglilinaw ni AJ. 

AJ Raval denies being the third party in Aljur Abrenica-Kylie Padilla split

Maging si Kylie mismo ay nagsalita tungkol sa pagkakadawit kay AJ at sinabing wala umanong dapat sisihin dahil napagkasunduan na nila na pwede silang makipag-date sa ibang tao noon pa man. 

“Guys there is no issue. We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this. I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left,” saad ni Kylie sa isang tweet.