• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ipa-tattoo ang kanyang mukha, ang pangalan naman ni Kiray Celis ang ipina-tattoo ng kanyang boyfriend Stephan Estopia sa braso nito.

Boyfriend ni Kiray Celis, nagpa-tattoo ng pangalan ng aktres

Matapos ipa-tattoo ang kanyang mukha, ang pangalan naman ni Kiray Celis ang ipina-tattoo ng kanyang boyfriend Stephan Estopia sa braso nito.

 Boyfriend ni Kiray Celis, nagpa-tattoo ng pangalan ng aktres-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/17/2022 04:18 PM
 Boyfriend ni Kiray Celis, nagpa-tattoo ng pangalan ng aktres
Photo credits to @kiraycelis on Instagram

May kakaibang sorpresa ang nobyo ni Kiray Celis para sa aktres noong Valentine's Day. 

Sa Instagram kamakailan, ibinahagi ni Kiray na ipina-tattoo ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia ang buong pangalan niya sa kanang braso nito.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


"Hiniling ko lang naman na bigyan ako ng lalaking mahal na mahal ako. Pero ang dumating, mahal na mahal na, patay na patay pa. HAHAHAHAHA!" ani Kiray. 

"Since hindi daw ako mahilig sa bulaklak, eto daw regalo niya sakin nung valentine's day. GRABE KA TALAGA @stephan.estopia!"

Marami naman ang tila kinilig at napa-"sana all" sa sorpresang ito ni Stephan para sa aktres.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na nagpa-tattoo si Stephan para kay Kiray. 

Noong nakaraang taon, naging laman din ng balita ang magkasintahan matapos na ipa-tattoo ni Stephan ang mukha ng aktres sa kanyang dibdib.

HABA NG HAIR! Kiray Celis’s boyfriend gets her face tattooed on his chest

Taong 2019 nang isinapubliko ni Kiray, na unang nakilala bilang cast member ng Goin' Bulilit, ang kanyang relasyon kay Stephan, na isang gaming video creator o streamer.

Noong Disyembre ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ikalawang anibersaryo bilang magkasintahan.

Sa nakaraang panayam ng PUSH, ipinagmalaki ni Kiray ang kanyang boyfriend bilang mabait at marespeto sa kanyang pamilya.

Ayon pa sa aktres, kahit pa ilang taon pa lang silang nagde-date ni Stephan ay umaasa siyang mauuwi rin sa kasalan ang kanilang pag-iibigan.