• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi mapigilan ng netizens na kiligin matapos na sorpresahin ni Donnalyn Bartolome si JM de Guzman para sa kaarawan nito.

JM de Guzman, sinorpresa ni Donnalyn Bartolome

Hindi mapigilan ng netizens na kiligin matapos na sorpresahin ni Donnalyn Bartolome si JM de Guzman para sa kaarawan nito.

JM de Guzman, sinorpresa ni Donnalyn Bartolome-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/05/2022 11:09 AM
JM de Guzman, sinorpresa ni Donnalyn Bartolome
Screenshot from JM De Guzman YouTube Channel

Hindi mapigilan ng netizens na kiligin matapos na sorpresahin ni Donnalyn Bartolome si JM de Guzman para sa kaarawan nito.

Sa Instagram, nag-post si JM ng mga retrato at video kuha mula sa birthday celebration na inihanda ni Donnalyn para sa kanya.

Makikitang dumalo sa kanyang surprise party ang pamilya at mga malalapit na kaibigan ni JM. Tampok din sa celebration ang kanyang mga iniidolong Fliptop rappers na sina Loonie, Smugglaz, Shehyee, at Anygma.


“Ako ay lubos na nagalalak sa mga dumayo sa aking kaarawan. Salamat sa bumati at babati palang. ‘Di ko inakala na makikita ko ng live mag-perform ang aking mga iniidolo na sina @loonieverse, @smugglaz.187, @shehyeeongkiko, Anygma, at Boss Bullet. Kayo ang mga inspirasyon ko at hanga ako sa inyong mga talent,” ani JM.

Lubos namang pinasalamatan ni JM si Donnalyn sa pagsorpresa sa kanya.

“May ginintuan kang puso para mabigyan mo ako ng pagkakataon na lumigaya. Hindi pa ako nasorpresa ng ganito at lubos ang aking ligaya. Napakabuti mong tao,” ani JM.

Dagdag ng aktor: “Sobrang swerte siguro ng magiging boyfriend mo.”

READ: Donnalyn Bartolome, dinepensahan ang ‘kanto-themed’ party: ‘This was my life when I left home abroad’

Sa comments section, marami ang kinilig kina JM at Donnalyn at sinabing tila may namamagitan sa kanilang dalawa.

“Pag ganyang sorpresa, hindi ako naniniwalang friends lang,” ani ng isang netizen.

Dagdag pa ng isang fan: “’Di mag eeffort ang isang babae kung wala etong gusto sa isang tao. Nagluto pa tapos lahat ng lodi mo pinag sama sama… So may something.”

Ngunit sa bagong vlog na inililabas ni Donnalyn, nilinaw nito na hindi niya nobyo si JM.

“Girls, ‘wag kayong mag-alala. Hindi ko jowa si JM,” aniya.

Giit pa ni Donnalyn: “Lagi naman akong [ganito]. Lagi naman akong nagsu-surprise ng friends ko. Alam niyo naman ‘yan.”

Paliwanag ng vlogger, pasasalamat niya ito para kay JM sa pagsuporta sa kanya sa kanyang music video na “Shawty” kung saan tampok ang aktor.