• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa ang aktor na si James Reid sa magiging ninong ng anak ng YouTube couple na sina Viy Cortez at Lincoln Velasquez, o mas kilala bilang si Cong TV.

James Reid, pumayag na maging ninong ni Kidlat

Isa ang aktor na si James Reid sa magiging ninong ng anak ng YouTube couple na sina Viy Cortez at Lincoln Velasquez, o mas kilala bilang si Cong TV.

James Reid, pumayag na maging ninong ni Kidlat-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/26/2022 01:16 PM
James Reid, pumayag na maging ninong ni Kidlat
Screenshot from Cong TV YouTube Channel

Isa ang aktor na si James Reid sa magiging ninong ng anak ng YouTube couple na sina Viy Cortez at Lincoln Velasquez, o mas kilala bilang si Cong TV.

Sa bagong vlog na inilabas ni Cong, ibinahagi ng sikat na YouTuber kung paano niya inimbitahan si James na maging ninong ng kanyang anak na si Zeus Emmanuel o Kidlat.

Nangyari ito habang nagshu-shoot ng bagong commercial ang dalawa para sa isang sikat na softdrinks brand kasama ang kapatid ni Cong na si Marlon “Junnie Boy” Velasquez, Jr. 


“Can you be the father of my baby? Ay, godfather. I’m sorry I’m nervous eh,” tanong ni Cong kay James.

“Maybe you want to be the father,” hirit pa niya.

Sa kalagitnaan ng kanilang shoot ay muling nilapitan ni Cong si James para tanungin kung payag ba ito sa kanyang imbitasyon.

“By the way James, is that a yes [on] the godfather?” ani Cong.

“You want me to be the godfather?” sagot ni James.

“Yes. You don’t have to attend the ceremony at all. So I can just you know, maipamalita ko lang sa amin na ninong ka,” dagdag ni Cong.

“Okay, why not?” muling sagot ni James.

Pabirong dagdag pa ng aktor: “Just, I don’t want to be the father.”

READ: CongTV at Viy Cortez, ipinakita ang anak na si Kidlat sa unang pagkakataon; Cong, kinailangang mag-ahit para kay Kidlat?

Matatandaang nito lamang Hulyo nang manganak si Viy sa unang anak nila ni Cong TV na si Kidlat. 

Kilala ang magkasintahan bilang ilan sa mga sikat na vlogger sa bansa. Sa ngayon ay mayroong 10.3 million subscribers si Cong TV sa YouTube, habang si Viy naman ay may 6.12 million.