• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Belle Mariano, isa ang kanyang onscreen partner na si Donny Pangilinan sa ‘support system’ niya.

Belle Mariano, komportable na kay Donny Pangilinan

Ayon kay Belle Mariano, isa ang kanyang onscreen partner na si Donny Pangilinan sa ‘support system’ niya.

Belle Mariano, komportable na kay Donny Pangilinan-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/28/2022 11:49 AM
Belle Mariano, komportable na kay Donny Pangilinan
Photo credits to @belle_mariano on Instagram

Hindi itinanggi ni Belle Mariano na dumaan din sila ni Donny Pangilinan sa awkward stage noong una silang nagkakilala.

Pero sa kanyang panayam sa programang PUSH Bets Live, sinabi ni Belle na sa ilang taon nilang pagsasama bilang love team ay naging komportable na siya kay Donny.

"Obviously, from the very start, sobrang awkward. But now, like what I've said earlier, I've gotten comfortable enough to be myself, to be vulnerable in front of him," aniya.


Matatandaang unang nagkasama sina Belle at Donny—o mas kilala bilang "DonBelle"— sa sikat na ABS-CBN series na He's Into Her noong 2018.

Matapos nito ay bumida ang dalawa sa Star Cinema romcom film na Love Is Color Blind na ipinalabas nitong 2021. 

Ayon kay Belle, lubos siyang nagpapasalamat sa hindi inaasahang tagumpay ng tandem nila ni Donny.

"Well, I'm super grateful. Who would've thought 'di ba? Despite everything we're going through, even if we just see each other virtually, they (fans) really put effort, they really show how much they support and love us. And I really appreciate it. I'm just so grateful for them and I love them as well. Sobra talaga," aniya.

Nagpapasalamat din siya kay Donny dahil sa suportang ibinibigay nito sa kanya bilang love team partner at kaibigan.

"He's really one of my support systems," aniya.

Nag-guest si Belle sa PUSH Bets Live para i-promote ang kanyang kauna-unahang solo concert na gaganapin nito nang Linggo, Enero 30. 

Sa programa, ipinaliwanag ni Belle kung ano konsepto ng kanyang show, na pinamagatang Daylight.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KTX.PH (@ktx.ph)

"My concert Daylight, it's just going to be light. Something very intimate, that everyone can relate to. And I hope all throughout the concert, mag-enjoy lahat ng manonood," aniya.

"Really it's just a reminder for all of us that...despite all the rains in our life, we always seek for the daylight after."

Special guest sa kanyang concert si Donny, pati na ang actor-singer na si Kyle Echarri.

Kasama rin sa show ang OPM band na Ben&Ben at singer-songwriter na si Jayda Avanzado. Sa ngayon ay maaari pa ring bumili ng ticket sa online streaming platform na KTX.ph. 

Belle Mariano on performing in her first ever concert ‘Daylight’: ‘I’m always so grateful’

Samantala, nagbigay din ng kanyang mensahe si Belle para sa kanyang mga tagasuporta at tagahanga.

"First of all, thank you so much guys. I actually talked about this sa mediacon. I was just a little girl dreaming, dreaming to have everything, to do everything that is happening now in my life. And you're such a big part of my journey so maraming maraming salamat," aniya.

"Wala ako ngayon dito sa posisyon ko kung wala kayo. And I dedicate this to you guys, my Daylight concert. This is my way of thanking you. Maraming maraming salamat."