• Home
  • Fresh Scoops
  • Parami ng parami ang spekulasyon tungkol sa estado ng pagkakaibigan ngayon nina Andrea Brillantes at Francine Diaz.

Andrea Brillantes at Francine Diaz, in-unfollow ang isa’t-isa; may hidwaan nga ba?

Parami ng parami ang spekulasyon tungkol sa estado ng pagkakaibigan ngayon nina Andrea Brillantes at Francine Diaz.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/14/2022 09:54 AM
Andrea Brillantes at Francine Diaz, in-unfollow ang isa’t-isa; may hidwaan nga ba?
Photo credits to @blythe @francinesdiaz on Instagram

Usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y pag-unfollow ng mga aktres at magkaibigan na sina Francine Diaz at Andrea Brillantes sa isa’t-isa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Napansin ng ilang fans na hindi na umano fino-follow nina Andrea at Francine ang isa’t-isa kasunod nang kumalat na litrato kung saan kasama ng huli si Seth Fedelin.

Si Seth ay ka-love team ni Andrea at kasama sa miyembro ng “The Gold Squad” na kinabibilangan din nina Francine Diaz at ka-love team nito na si Kyle Echarri. 

Ayon sa ilang netizens, kuha ang nasabing litrato nitong bagong taon ngunit agad naman itong pinabulaanan ng ilan at sinabing matagal nang kuha ang litrato. 

Francine Diaz at Seth Fedelin, magkasama noong New Year?

Duda naman ng ilang netizens, ang post ni Andrea sa TikTok kung saan pinatugtog niya ang kanta ni Selena Gomez na may lyrics na “I gave my all and they all know it. You turned me down and now it’s showing. In two months, you replaced us. Like it was easy. Made me think I deserved it” ay may kaugnayan sa isyung kumakalat ngayon. 

@blythe Kagigising ko lang? #fyp ♬ Lose You To Love Me - Selena Gomez

Sa ngayon, wala pang nagsasalita kina Andrea o Francine sa ukol sa nasabing isyu. 

Pero tila pinaparinggan ni Andrea ang mga taong “naka abang” sa mga kaganapan ngayon sa kanyang buhay at sinabing manood nalang umano sila ng kanyang mga vlogs. 

“Hello since ang dami niyo naman naka abang jan, watch niyo nalang mga vlogs ko,” ani Andrea. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Nabuo ang The Gold Squad sa kasagsagan ng pinag-uusapang teleserye noon na Kadenang Ginto na umere noong taong 2018.

Muli namang nagsama-sama ang bida ng nasabing serye noong nakaraang taon para sa Huwag Kang Mangamba.