Jose Sarasola at Maria Ozawa, hiwalay na; nahirapan sa LDR | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jose Sarasola at Maria Ozawa, hiwalay na; nahirapan sa LDR

Jose Sarasola at Maria Ozawa, hiwalay na; nahirapan sa LDR

Pao Apostol

Clipboard

Inamin ng aktor at chef na si Jose Sarasola na hiwalay na sila ng sikat na Japanese star na si Maria Ozawa.

Sa panayam ni Jose sa PEP site, inamin niya na nahirapan sila sa long distance relationship o LDR dulot ng pandemya.

“To be honest, wala na kami. It’s been difficult, e, it’s been very hard. LDR is very hard. We never expect this to be difficult,” ani Jose.

Pagbabahagi pa niya, Disyembre noong nakaraang taon nang magdesisyon silang maghiwalay ni Maria matapos ang ilang taong pagsasama.

ADVERTISEMENT

“Last December, we had a talk. We mutually agreed to part ways,” saad niya.

Taong 2017 nang magsimulang mag-date sina Jose at Maria.

Agad naman niyang nilinaw na wala silang malaking pag-aaway. Wala din daw umanong third party.

“Wala naman kaming pinag-awayan, big fight, third party. Wala naman talagang away. It’s, like, ang hirap lang talaga ng LDR. We didn’t expect na ganito kahirap talaga,” aniya.

Gayunpaman, nilinaw niya na nanatili silang magkaibigan hanggang ngayon.

“We both agreed na it’s the best for us now that we both go our separate ways,” ani Jose.

Ani Jose, lumipad si Maria bago ang pandemya dahil akala nito ay matatapos din ito makalipas lamang ang ilang buwan.

“She left knowing na baka after three months baka mawala eventually, little did we know na naging global pandemic na siya,” saad niya.

Dagdag pa niya: “Up to now, she never came back. Nahihirapan talaga siya kasi sa mga rules ng mga foreigners coming back.”

Bagama’t sinubukan nilang tawagan ang isa’t-isa, hindi umano ito naging sapat upang ipagpatuloy pa ang kanilang relasyon.

“But as time went by, it just took a heavy toll on the both of us eh. Nahirapan kaming dalawa. Medyo hard na to continue the relationship, parang it’s hard when your partner is not here,” aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.