• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon sa aktres na si Jessy Mendiola, matagal na siyang tumigil sa paggawa ng kissing at love scenes dahil umano'y hindi na siya kumportable rito.

Jessy Mendiola, titigil na ba sa pagpapa-sexy ngayong kasal na siya?

Ayon sa aktres na si Jessy Mendiola, matagal na siyang tumigil sa paggawa ng kissing at love scenes dahil umano'y hindi na siya kumportable rito.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/21/2021 03:34 PM
Jessy Mendiola, titigil na ba sa pagpapa-sexy ngayong kasal na siya?
Photo Credit: @senorita_jessy Instagram

Ngayong kasal na siya, balak na bang baguhin ng aktres na si Jessy Mendiola ang kanyang sexy image?

Sa kanyang pinakabagong vlog, kung saan magkasama nilang sinagot ng kanyang asawa na si Luis Manzano ang ilang assumption tungkol sa kanilang relasyon, sinabi ni Jessy na matagal na siyang tumigil sa paggawa ng kissing scenes at love scenes dahil umano'y hindi na siya kumportable rito. 


"'Yung huling soap na ginawa ko, 'yung Sandugo, I talked to [the director] tapos sabi ko sa kanya, 'Direk, I would rather go all out na kontrabida, 'yung mang-aapi, 'yung sobrang sama, 'yung may ulterior motive, but please pass na ako sa kissing scenes, sa love scenes.' Hindi naman sa nag-iinarte but it's more of like nagawa ko na siya since I was 16. Hindi naman kissing scenes, love scenes, pero 'yung nagpapa-sexy na," paliwanag niya.

Ayon pa sa aktres, na dati ay hinirang na "FHM's sexiest woman", pakiramdam niya ay hindi na tama para sa kanya ang gumawa ng sexy scenes lalo na ngayong gusto na niyang magkaroon ng sarili niyang anak.

"But hindi ako pinipigilan ni Luis," paglilinaw niya. "It's more of me, it's a decision I made a few years ago and so far so good naman."

BASAHIN: Jessy Mendiola shares how she works out at home

Ikinasal sina Jessy, 28, at Luis, 40, sa The Farm at San Benito sa Lipa, Batangas noong Pebrero, matapos ang apat na taon bilang magkasintahan.

Simula noon ay naging bukas na ang dalawa sa kanilang hiling na magkaroon ng sarilng pamilya.

“Given naman ‘yun. Siyempre hindi na naman na ako bumabata,” ani Luis sa isang vlog noong Marso.

“Kasi lahat ng mga tropa ko, may mga pamilya na halos. Malalaki na nga 'yung mga anak, actually. Tapos 'yung Daddy ko (Edu Mazano) nu’ng pinanganak ako I think nasa 28 years old ata siya. Same age si Mommy (Vilma Santos-Recto) at si Daddy. Marami kaming na-eenjoy ni Daddy together even at this point. So parang ‘yun din ang habol ko na parang ‘yung anak natin marami pa kaming magawa,” dagdag niya.

Para naman kay Jessy, nais niyang magkaroon sila ni Luis ng dalawa hanggang sa tatlong anak sa loob ng limang taon. Sinabi niya ito sa isang vlog noong Hunyo kung saan inamin niya na handa na siyang maging isang ina.

"I am ready to get pregnant," aniya.

"Better din na nasa late 20s na rin ako, kesa nasa 30s na 'ko. Parang feeling ko mas mabilis akong magba-bounce back. And gusto rin talaga namin ni Luis na siguro mga two to three 'yung children namin. Kaya sana two to three kids before I turn 33, ganun. 28 na 'ko ngayon eh, so meron akong five years pa," sabi pa niya.