• Home
  • Fresh Scoops
  • Isinilang na ni Kaye Abad ang pangalawang anak nila ni Paul Jake Castillo.

PANOORIN: Kaye Abad, ipinakilala ang pangalawang anak

Isinilang na ni Kaye Abad ang pangalawang anak nila ni Paul Jake Castillo.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/14/2021 09:03 AM
PANOORIN: Kaye Abad, ipinakilala ang pangalawang anak
Photo Credit: @kaye_abad Instagram

Ipinakilala na ng aktres na si Kaye Abad ang kaniyang bagong silang na sanggol nitong Lunes, Setyembre 13. 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng 39-anyos na aktres na nanganak siya sa kanilang pangalawang anak ni Paul Jake Castillo noong ika-2 ng Setyembre. 

Pinangalanan naman ng mag-asawa ang kanilang anak ng Iñigo Leon Castillo. 


Tingnan ang larawan sa ibaba: 

 

 

Ibinahagi naman ni Kaye sa isang vlog ang kanyang pinagdaanan, gaya nang napansin niyang maramdaman niya na manganganak na siya habang naglalakad sa loob ng bahay nila. 

READ: Kaye Abad, Paul Jake Castillo expecting another baby boy

Dagdag pa ni Kaye, napansin niyang may dugo na sa kanyang ihi. Agad naman umanong tumawag ang dalawa sa kanilang OB-GYN na nagsabing dumerecho na ang dalawa sa ospital.

Inabot naman umano ng ilang oras bago manganak si Kaye. 

Panoorin ang vlog:

Samantala, marami naman ang bumati sa dalawa gaya nina Dominic Roque, Donna Cruz, Cheska Kramer, Mariel Padilla, Nikki Valdez, at Chito Miranda. 

Ang panganay na anak nina Kaye at Paul Jake ay pinangalanang Joaquin.