TINGNAN: Isang glass house, regalo ni Neri Naig para sa kanyang sarili | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Isang glass house, regalo ni Neri Naig para sa kanyang sarili

Push Team
Published Sep 13, 2021 01:00 AM PHT

Ibinida ng dating aktres at ngayo’y isang entrepreneur na si Neri Naig ang glass house na ipinapagawa niya.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Neri na regalo niya para sa kanyang sarili ang nasabing Neri’s studio glass house para sa maraming taon na wala siyang binili na matatawag niyang kanya.

Ani Neri: “Gift ko na sa sarili ko, ilang birthdays at Pasko rin na di ko binilihan ang sarili ko ng kung ano ano. Para rin naman sa pamilya at trabaho ko 'to, kaya pussssh ko na 'to this year!”

Sinabi din ni Neri na magpapalakas lang siya bago muling sumabak sa trabaho.
Sinabi din ni Neri na magpapalakas lang siya bago muling sumabak sa trabaho.
ADVERTISEMENT
Aniya: “May mga nakapending na trabaho na kailangan ko nang i-shoot after kong manganak. Di na kaya kase this month. Palakas lang ako, then trabaho agad, hihi!”

Labis namang ikinatuwa ni Neri na matutuloy na ang kanyang dream project na aniya’y naging posible dahil sa mga taong nagtiwala sa kanya.

“Finally! Matutuloy na ang dream project ko sa bahay. Dahil need ko talaga ng mini studio para sa mga shoot ko/namin para sa mga brands na nagtitiwala sa pamilya Miranda at hindi na sa mismong loob ng bahay o lilipat pa kami sa @mirandasresthouse para sa mga shoots,” ani Neri.

Ipinaliwanag naman ni Neri kung bakit pansamantalang nahinto ang kanyang pagpapagawa nito. Ani Neri, kinailangan niya muna itong pag-ipunan.

“Naudlot kase pandemic at kailangan pag ipunan pa yung pagpapagawa, hehe! Kulang budget eh. One at a time lang mga projects para di magpatong patong ang bayarin at matapos agad,” ani Neri.

Nilatag din ni Neri ang kanyang mga plano sakaling mabuo na ang ipapagawa niyang glass house.

“Siyempre habang bawal pa mag invite ng mga bisita, kami kami muna magluto lutuan sa Glass House. Magpadagdag ako ng oven. Masarap mag breakfast, brunch, lunch, merienda, at dinner dito. Para kang kumain sa labas, hehe! Kase sa garden itatayo ang Glass House,” aniya.

“Padagdag lang din ako ng mudroom dahil why not? Haha! Peg ko si Martha Stewart eh, panindigan na. Aayusin din yung garden, minimalist lang para low maintenance at may place ang mga dogs,” dagdag pa ni Neri.

Pinasalamatan din ni Neri ang kumpanya na bubuo ng kanyang pangarap na glass house.

Saad niya sa caption ng kanyang post: “Thank you @grupo.santamaria sa pagbuhay ng mga dream projects ko, hihi! Napapadali nyo yung trabaho ko talaga. Excited na akong makita ang outcome at makapag shoot na very very soon!”

Bagama’t hindi pa plantsado ang susunod niyang proyekto para sa kanyang bahay, sinabi din ni Neri na plano niyang magpagawa ng laundry area para mas mapadali ang lahat.

Ani Neri: “Next project ko naman laundry area na andun na lahat. Gusto ko very organized at complete na. Maayos na sampayan, drawers, malaking sink for handwash, plantsahan, organizers, etc. ‘Yung pwede kang tumambay sa laundry area. Malinis, maaliwalas, at mabango. Pag ipunan muna, hehe!”