• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagtutulungan naman umano sina Neri Naig at Chito Miranda tuwing kailangan ng isa’t-isa.

Neri Naig at Chito Miranda, hindi nagpapakialamanan sa pera; bilib sa diskarte ng bawat isa

Nagtutulungan naman umano sina Neri Naig at Chito Miranda tuwing kailangan ng isa’t-isa.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/04/2021 03:24 PM
Neri Naig at Chito Miranda, hindi nagpapakialamanan sa pera; bilib sa diskarte ng bawat isa
Photo credit: @chitomirandajr Instagram

Ipinaliwanag ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig kung bakit hindi nila pinapakialam ang isa’t-isa pagdating sa pera.

Sa isang vlog, ikinuwento nag mag-asawa ang kani-kaniyang diskarte sa paghahawak ng negosyo.


“When it comes to businesses, the reason why we have our own negosyo, ay because may sari-sarili kaming style at diskarte sa business. So, ‘yung ibang businesses ni Neri, sa kanya lang. May businesses ako na ako lang, pero may businesses din na partner kami,” ani Chito.

READ: Neri Naig shares why she’s not afraid to start new businesses: ‘Kayod lang ng kayod’

Hinahayaan umano nila ang isa’t-isa pagdating sa negosyo dahil magkaiba umano ng istilo sa pamamalakad pagdating dito. 

“First of all, ang maganda diyan, hindi kami nag-aaway sa businesses or sa pera kasi may kanya-kanya kaming pera. Anyway, when it comes to business, may sariling diskarte and sarili niyang pamamalakad kasi talagang magkaiba kami ng style,” saad ni Chito. 

“Tsaka may kanya-kanya din kaming circle of friends slash business partners,” dagdag ni Chito. 

At dahil may sariling pera si Neri, may kalayaan itong gawin ang kanyang gusto at sumugal pagdating sa negosyo.

“‘Yun din ‘yung advantage for handling our money. If you have your own money and gusto mo isugal sa business, it’s up to you because you’re playing and you’re gambling with your own money,” saad ni Chito. 

Pabor din umano sa kanila ang pagkakaroon ng kanya-kanyang diskarte lalo pa’t mas may lakas ng loob si Neri na sumugal habang si Chito naman ay mas konserbatibo. 

“And it works for us because you’re a risktaker and you can afford to take risks because I am a conservative investor,” ani Chito. 

Bagama’t sariling pera ni Neri ang pera, hindi naman umano ganito ang kaso para sa kanya dahil kailangan niyang makapagbigay ng pera lalo pa’t siya ang padre de pamilya. 

“‘Yung pera mo pwede mong pag-tripan, ako — ‘yung pera namin —  I’m still the provider of this family. So, I need to be conservative because I can’t mess up. Meron siyang safety net. If she fails, it’s okay kasi I have enough to sustain and provide for my family. ‘Yun ‘yung advantage of having our own money. Her money is her money, my money is our money. Pero hindi na siya humingi ng pangluho dahil mas marami siyang pera,” saad ni Chito. 

Natutuwa naman si Chito sa pagiging risk taker ng kanyang misis dahil mas napapadami umano nito ang mga negosyo nila. 

“I’m enjoying the benefits also kasi ang laki kumita ng asawa ko. Kasi high risk, high reward. Pero madami ding sumablay na businesses ‘yang si Neri. Pero okay lang kasi she learned. And habang natututo ka, padami ng padami na businesses. Kasi natututo ka na eh. And naging careful na din siya,” ani Chito. 

Bilib din ito sa asawa niya dhail hindi umano ito nanghihingi ng pera sa kanya para punan ang kanyang sariling luho. 

Saad ni Chito: “I admire the fact na ayaw mong ginagalaw ‘yung pera ko sa luho. Kumbaga nahihiya ka pa magpabili ng sapatos. That’s why it also works for her. Because ‘yung fact na nahihiya siya humingi sa akin ng money — which I appreciate — ‘yun ‘yung nagiging drive niya rin. ‘Yung motivation and nagtatrabaho to have her own. And I respect that kasi ‘yung accomplishment mo sa sarili mo, ang saya mo ‘di ba?’”

READ: Neri Naig Miranda shares her big plans for 2021: ‘Dapat focus lang sa goal’

Pinuri naman ni Neri ang kanyang asawa na ini-invest na umano ang perang kanyang kinikita habang nagsisimula pa lamang noon sa industriya. 

“Ang dami niyang na-invest. Before pa kami magkakakilala, nakapag-invest na siya ng mga properties. And now, with or without the band, kumikita siya dahil marami siyang investment na parentahan. Not to mention the royalties and ‘yung mga ginagawa niyang jingles. ‘Yun pa lang ang laki na,” saad ni Neri. 

Dagdag pa ni Neri, siguradong kayang buhayin ni Chito ang kanyang pamilya kahit pa umano hindi na nito ituloy ang kanyang pagbabanda. 

“Kahit ‘di na siya magbanda, monthly dumarating ‘yung pera. I’m just saying na baka pagbabanda lang ang alam mo. No. Si Chito po ay napakagaling sa pera,” ani Neri. 

Paliwanag naman ni Chito: “What I did when I started earning money, instead of spending it on stuff I don’t need, I spent it on things that would make more money for me.” 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Samantala, sinabi naman ni Chito na malaking tulong ang ginagawa nilang pagtutulungan ni Neri.