• Home
  • Fresh Scoops
  • AJ Raval shares unforgettable experience having an online gambler boyfriend.

AJ Raval, nagbayad noon ng utang ng ex-boyfriend na nalulong sa sugal

AJ Raval shares unforgettable experience having an online gambler boyfriend.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/26/2021 03:57 PM
AJ Raval, nagbayad noon ng utang ng ex-boyfriend na nalulong sa sugal
Photo Credit: @ajravsss Instagram

Wala nang violent reactions ngayon si Jeric Raval sa pagpapaseksi sa pelikula ng anak niyang si AJ Raval. Ayon sa kuwento ng dalaga, tanggap na ng ama ang pagpapaseksi niya sa pelikula na inalmahan nito nung nagsisimula pa lang siya bilang artista sa Viva Films.

“Tinanggap na nila na nagpapaseksi ako, lalo na po yung tatay ko. Alam ko na naiintindihan niya dahil artista rin siya. Ang lagi lang nilang sinasabi sa akin ngayon, magpakabait at galingan ko ang acting,” kuwento ng anak ni Jeric.

Si AJ ay nakausap ng PUSH at ng ibang showbiz press sa digital mediacon ng pelikulang Taya na pang-apat na pelikula na niya sa Viva after niyang ipakilala sa Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar. Kasama ni AJ sa Taya na idinirek ni Roman Perez Jr. ang Anak ng Macho Dancer lead actor na si Sean de Guzman na contract star na rin ng Viva.


Kahit tinaguriang bagong Pantasya ng Bayan, hindi itinago ni AJ na hanggang ngayon ay hindi raw maiwasang makaramdam pa rin siya ng insecurities dahil sa kanyang balat.

Pagtatapat niya, “Ang insecurity ko, yung balat ko. Kasi noong bata ako, malikot ako, palagi akong nadadapa, nahuhulog, nasusugatan. Nagkaroon ako ng maraming marks sa katawan.”

“Sa age ko po, dumaraan siguro lahat ng tao na makakaramdam ka ng insecurity hanggang sa matutunan mo na mahalin ang sarili mo. Siguro ganoon pa po ako. Nasa stage pa po ako na nai-insecure ako sa sarili ko. Pero inaaral ko po kung paano mahalin yung sarili,” sambit pa niya.

Ayon pa sa Taya lead star, nakaranas din siya ng body shaming dahil dito. Ang maganda lang, hindi siya nagpapaapekto dito.

 “Sa totoo lang po, wala naman akong pakialam sa kanila kasi masaya naman po ako sa ginagawa ko,” rason ng dalaga.

Dugtong niya, “Saka sa body shaming, never ako nag-body shame. Alam ko pong tingnan yung mga babae. For me, wala lang kung may stretch marks, kung may dark areas sila. Ganun po ako mag-isip.

“Hindi ko po inilalagay ang sarili ko sa bashers. Unang-una, wala silang bilang sa ginagawa ko. Imbes na pansinin ko sila, magpo-focus na lang ako sa mga tao na nagmamahal sa akin.”

Samantala, naka-relate daw si AJ sa kuwento ng Taya na tungkol sa online gambling o pagtaya sa sugal dahil ang ex boyfriend niya ay nalulong sa pagsusugal. Dumating din daw sa point na siya pa ang nagbabayad ng utang ng dating boyfriend.

READ: AJ Raval hiwalay na sa BF na ex-PBB housemate na si Axel Torres

“Hindi po ako marunong magsugal pero meron akong naging boyfriend na nagsusugal, hanggang sa ako yung na-stress magbayad sa mga utang niya. Parang gusto kong isampal sa kanya itong movie na ‘to para matuto siya.

“Dahil po sa sugal, nagkabaon-baon siya sa utang. Ako yung na-stress na magbayad. Parang gusto kong ipapanood sa kanya itong Taya para matutunan niya na lahat nang sobra, masama,” kuwento ni AJ.

Mahal daw niya ang kasintahan kaya binabayaran niya ang mga utang nito noon.

“Mahal ko, eh, ayaw ko po siyang mahirapan. Pero nagising din naman po ako na hindi po pala tama yon,” realization ni AJ.

Sinisiguro din ng dalaga na hindi na siya mai-in love sa lalaking adik sa sugal.

“Basta hindi po nagsusugal at responsible okey sa akin,” saad pa niya.

Mapapanood ang Taya sa Ktx.Ph, iWantTFC, TFC IPTV at sa Vivamax simula August 27, 2021.