AJ Raval hiwalay na sa BF na ex-PBB housemate na si Axel Torres

Bakit naghiwalay na sina AJ Raval at Axel Torres?

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/23/2021 06:47 PM
AJ Raval hiwalay na sa BF na ex-PBB housemate na si Axel Torres
Photo credit: @ajravsss @axe1torres IG

Nauwi na sa hiwalayan ang relasyon ng Viva artist na si AJ Raval sa kasintahan nitong si Axel Torres na dating Pinoy Big Brother housemate. Ito ang kanyang inamin sa digital mediacon ng latest movie niyang Taya na idinirek ni Roman Perez Jr.

“Marami kaming naging problema sa career namin kaya nag-end po nang maaga yung relationship namin,” pagtatapat ni AJ.

Hindi rin daw nagustuhan ng ex-boyfriend ang madalas na pagpapeksi niya sa pelikula kaya sila naghiwalay. Pinagselosan din daw nito nang husto si Sean de Guzman, ang kapareha niya sa pelikula.


“Hindi na po ako magsisinungaling pero kasama na rin po si Sean. Pinagselosan po si Sean. Ayaw rin po talaga niya ng karera ko ngayon. Ayaw po niya akong magpa-sexy which is naiintindihan ko naman.

AJ Raval, hindi suportado ng ama na si Jeric Raval ang pagiging sexy star

“Naiintindihan ko naman po siya sa part niya kasi pumasok po ako sa relasyon na hindi pa ako nag-aartista.

“Napaka-conservative ko pong babae hanggang sa nag-artista na po ako, parang doon po ako nag-start magpa-sexy. So naiintindihan ko po siya sa part na hindi niya ako ganoon kakilala kaya hindi niya matanggap na ganito ang career ko,” lahad pa ni AJ.

Samantala, bukas naman si AJ sa posibilidad na ma-in love o makarelasyon ang sa co-star niyang si Sean. Isa raw ang binata sa una niyang minessage nang mag-break sila ni Axel.

Sabi ni AJ, “Biniro ko po siya. Sabi ko, ‘Sean, break na kami. Puwede mo na akong ligawan.’ Si Sean po kasi kaibigan ko po yan. Kilala ko siya. Alam ko ang personality niya. Napakabait na tao, maalaga. Pero kung magiging partners kami, bakit hindi?”

Bago nakarelasyon ni AJ si Axel ay nagkaroon din siya ng non-showbiz boyfriend na hiniwalayan din niya dahil nalulong daw ito sa online gaming at siya pa ang nagbabayad ng mga utang.

Matinding stress daw ang idinulot nito sa kanya at nakalimutan na niya ang self-love kaya nagdesisyon siyang hiwalayan ang non-showbiz guy.