• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Lolit Solis na wala na umanong namamagitan kina Paolo Contis at LJ Reyes.

Manager ni Paolo Contis na si Lolit Solis, kinumpirma ang paghihiwalay ng aktor at ni LJ Reyes

Sinabi ni Lolit Solis na wala na umanong namamagitan kina Paolo Contis at LJ Reyes.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/23/2021 07:55 PM
Manager ni Paolo Contis na si Lolit Solis, kinumpirma ang paghihiwalay ng aktor at ni LJ Reyes
Photo credit: @akosilolitsolis IG

Kinumpirma mismo ng talent manager ni Paolo Contis na si Lolit Solis ang hiwalayan ng aktor at ng partner nito na si LJ Reyes.

 

 

Sa isang Instagram post nitong Linggo, Agosto 22, nilinaw ni Lolit na walang third party sa pagitan ng dalawa. 

Dito, pinabulaanan din ni Lolit ang mga kumakalat na chismis na naghiwalay umano ang dalawa dahil kay Yen Santos.

Kasalukuyang ipinapalabas ngayon sa Netflix ang pelikula nina Paolo at Yen na A Faraway Land.

Ani Lolit, hindi umano dapat bigyan ng pansin ang isyu tungkol kay Yen lalo pa’t may karelasyon umano ang aktres. 

"Naku ha, smokescreen naman masyado iyon tsismis na isinasali sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes iyon pangalan ni Yen Santos, Salve. Open secret naman o silent whisper kung sino talaga ang karelasyon ni Yen Santos noh! Huwag na siyang isali at baka kung ano pa ang lumabas. Mas shocking pa ang mangyari,” ani Lolit. 

LJ Reyes at Paolo Contis, hiwalay na ba?

Paliwanag ni Lolit, pinili umano ng dalawa na maghiwalay na lamang dahil wala na umanong nararamdaman ang mga ito para sa isa’t-isa. 

"Walang third party sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes. It was a matter of na outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon. Kesa naman humantong pa sa pag aaway, mas gusto na nila na maghiwalay ng maayos, at dasal na mag end as friends. Huwag na natin idamay pa si Yen Santos dahil may sarili siyang love story kaya hindi siya kasali sa love life nila Paolo at LJ noh!" 

Dagdag pa niya: "Huwag ng guluhin ang issue. Huwag ng magdagdag ng casting para hindi lumaki ang production cost, hah hah. Stop na natin script sa ending nila Paolo at LJ. Huwag ng dagdag subplot para hindi gumulo ang istorya. Ganuon lang iyon, nawala ang romance, stop, bago maging horror story. Bongga di ba Salve at Gorgy, ayaw nyo ng triangle love affair di bah ? Kaya, tapusin na duon ang story. Finish na. Babuuuu ! #classiclolita #74naako #takeitperminutemeganun.” 

Tingnan ang post sa ibaba: 

 

 

Naging laman ng iba’t-ibang balita ang umano’y hiwalayan nina Paolo at LJ matapos mapansin ng mga netizens na burahin ng dalawa ang iba’t-ibang larawan nila sa kani-kanilang social media accounts. 

Sa kasulukuyan, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. 

May isang anak sina Paolo at LJ na pinangalanan nilang Summer. Si Aki naman ang anak ni LJ sa dati nitong partner na si Paulo Avelino.