• Home
  • Fresh Scoops
  • Ito ang tanong ng marami matapos na mapansin ng fans ang pagbura ni Paolo Contis ng mga retrato ni LJ Reyes sa kanyang Instagram page.

LJ Reyes at Paolo Contis, hiwalay na ba?

Ito ang tanong ng marami matapos na mapansin ng fans ang pagbura ni Paolo Contis ng mga retrato ni LJ Reyes sa kanyang Instagram page.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/20/2021 09:51 AM
LJ Reyes at Paolo Contis, hiwalay na ba?
Photo Credit: @lj_reyes Instagram

Hiwalay na ba ang magkasintahang sina LJ Reyes at Paolo Contis?

Ito ang tanong ng marami matapos na mapansin ng fans ang pagbura ni Paolo ng mga retrato ni LJ sa kanyang Instagram page.

Bukod dito ay in-unfollow din niya ang aktres. Sa ngayon ay 0 ang following count ng aktor sa Instagram.


Paolo Contis Instagram zero following

Samantala, tila fina-follow pa rin ni LJ si Paolo, at makikita pa rin ang mga retrato nito sa kanyang Instagram page.

Anim na taon nang magkasintahan sina LJ at Paolo. May isa silang anak na ang pangalan ay Summer, two years old.

Bukod kay Summer ay may anak din si LJ sa dating partner nito na si Paulo Avelino, ang 10-year-old na si Aki.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

 

Hulyo 14 umano nang huling nag-post si Paolo ng retrato kasama si LJ at ang dalawang bata.

Sa kanyang caption, sinabi ng aktor: “Love, thank you for everything! Thank you for taking care of all of us! Alam ko mas mahirap ngayon na wala ako but I know the kids will be okay kasi nandiyan ka!”

“I want you know how much I appreciate and love you! Can’t wait to go home again and be with you! Please know that I’m always missing and thinking of you!” dagdag pa ni Paolo, na nasa lock-in taping noong pinost niya ang retrato.

Samantala, noong Father's Day, Hunyo 20, pa huling nag-post si LJ ng larawan ni Paolo sa kanyang Instagram account. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

 

Sa ngayon ay wala pang confirmation mula kina LJ at Paolo kung totoong hiwalay na nga sila.