• Home
  • Fresh Scoops
  • Di daw kinakausap ni Jeric Raval ang anak na si AJ Raval sa ngayon.

AJ Raval, hindi suportado ng ama na si Jeric Raval ang pagiging sexy star

Di daw kinakausap ni Jeric Raval ang anak na si AJ Raval sa ngayon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/15/2021 10:25 AM
AJ Raval, hindi suportado ng ama na si Jeric Raval ang pagiging sexy star
Photo Credit: @ajravsss Instagram

May launching movie na ang anak ni Jeric Raval na si AJ Raval. Ilo-launch siya ng Viva Films sa isang sexy comedy film titled Paglaki Ko Gusto Ko Maging #Pornstar.

Ayon sa dalaga, hindi alam ng kanyang ama ang ginawa niyang pagpapaseksi sa #Pornstar at sigurado raw na ikagagalit ito ng kanyang tatay. Kontra raw kasi si Jeric na magpaseksi siya sa pelikula. As much as possible, ang gusto raw ni Jeric ay mga wholesome roles lang ang kanyang gagawin.

Sa virtual presscon para sa Paglaki Ko Gusto Ko Maging #Pornstar ay inamin ni AJ na hindi supportive si Jeric sa career path a gusto niyang tahakin.


Lahad ni AJ, “To be honest po, never siyang naging supportive sa pagpapaseksi ko.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AJ Raval (@ajraval_)

 

Sariling desisyon niya raw ang magpaseksi sa big screen dahil nasa tamang edad na siya. Wala rin daw siyang siyang nakikitang masama dito.

“Nasa edad na rin po ako. Meron na rin po akong sariling desisyon,” katwiran pa niya.

Ayon pa sa Viva star hindi siya kinakausap ngayon ng kanyang ama at alam niyang magagalit ito sa kanyang ginawa.

“Hindi niya ako kinakausap. Pinapabayaan niya lang din po ako. Ito pong movie, hindi pa po niya alam na ginawa ko, na nagpaseksi ako. Pero ine-expect ko na rin po ang reaksyon niya, na magagalit siya sa akin,” sabi pa ni AJ.

Hindi naman maiwasang ma-bash si AJ sa mapangahas niyang role sa #Pornstar. Pero wala raw siyang pakialam sa mga ito.

“Kasi kung iisipin ko po yon, ako lang din ang talo. Saka kung meron man may ayaw sa ginagawa ko, there are people naman who like me din. Doon nalang po ako magpo-pokus,” rason niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AJ Raval (@ajraval_)

 

Bida rin sa Paglaki Ko Gusto Ko Maging #Pornstar ang mga dating sex goddesses ng Philippine cinema ng kanilang henerasyon tulad nina Alma Moreno, Rosanna Roces, Maui Taylor, at Ara Mina.

Ang pelikula na milyon-milyon na ang views ng trailer ay produced by Viva and Vincentiments and directed by Darryl Yap.

Mapapanood ito exclusively sa Vivamax, ang subscription video-on-demand streaming service ng Viva at sa mga sinehan simula January 29.