• Home
  • Fresh Scoops
  • Having experienced past heartbreaks, Bea Alonzo is taking her time with her new relationship.

Bea Alonzo on being careful with new relationship: ‘Nakakahiyang paulit-ulit magkamali’

Having experienced past heartbreaks, Bea Alonzo is taking her time with her new relationship.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/14/2021 10:27 AM
Bea Alonzo on being careful with new relationship: ‘Nakakahiyang paulit-ulit magkamali’
Photo credit: @beaalonzo and @dominicroque Instagram

Nakabalik na ng Pilipinas ang aktres na si Bea Alonzo pagkatapos ng halos isang buwan niyang pagbabakasyon sa Amerika. Kasalukuyang nasa 10-day mandatory quarantine si Bea bilang pag-iingat.

Kasama ni Bea sa US ang rumored boyfriend na si Dominic Roque. Habang nasa US ay panay ang post ni Bea ng mga larawan nila ni Dominic na kuha sa iba’t ibang lugar sa Amerika tulad ng Napa County, Yosemite National Park, at iba pa.

READ: CONFIRMED? Post ni Dominic Roque sa Tiktok, patunay na sila na ni Bea Alonzo?


“Ang ganda kasi ng  pictures, nakakapanghinayang na hindi i-share,” sabi ni Bea Alonzo sa kanyang latest interview.

Kahit magkasama sina Bea at Dominic sa Amerika ay wala pa ring pormal na pag-amin mula sa kanilang kampo kung sila ba totoong magkarelasyon na ngayon. Pero base sa ikinikilos ng dalawa, kitang-kita na they really care for each other.

READ: Bea Alonzo confirms she’s dating Dominic Roque

Nagbigay naman ng paliwanag si Bea kung bakit ngayon lang ulit siya nagse-share tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. Aniya, gusto lang daw niyang maging mas maingat ngayon.

To be honest it wasn’t as if like masyado kong pinlano, or masyado akong nag-hold back it just came out naturally. And alam ko na prior sa posting marami ng haka-haka ang mga tao, actually maraming nagtatanong.

“It’s not like I’m trying to hide it. I think I was trying to be careful kasi given my past experience. Siyempre, gusto kong masiguro muna kung saan pupunta  bago gawing official o public.

“Sabi nga we only live once and happiness is best when shared and I want to share my happiness and I appreciate that they’re happy for me kasi nga naiintindihan kung saan ako nanggagaling, kung saan ako ngayon at kung saan ko gustong pumunta. 

I am happy that everything so light, everything so celebrated, gusto kong i-celebrate about my life, these current things nahihiya akong sabihin—my love life,” lahad ni Bea.

Inamin din ni Bea na takot na siyang magkamali ngayon kaya siya nag-iingat.

“Masyado akong careful, I’m afraid na magkamali in front of public, kasi unang-una masakit. At pangalawa nakakahiyang paulit-ulit magkamali, pero naisip ko naman na ganu’n ang buhay dahil choices ko rin, I chose that person.

 Ganu’n talaga ang buhay nagkakamali ka, bumabangon ka and you learned from your mistakes and you move on pag nagkamali ka ulit at least you tried.

Ever since naman hindi ako masyadong open sa past relationship ko. I think ang most treasured moments ay yung mga hindi nasi-share sa social media and I want to keep it that way,” katwiran ni Bea.