• Home
  • Fresh Scoops
  • Curious ang mga netizens sa Tiktok video kung saan may ka-holding hands na babae si Dominic Roque. Kumpirmasyon na nga ba ito na opisyal na sila ni Bea Alonzo?

CONFIRMED? Post ni Dominic Roque sa Tiktok, patunay na sila na ni Bea Alonzo?

Curious ang mga netizens sa Tiktok video kung saan may ka-holding hands na babae si Dominic Roque. Kumpirmasyon na nga ba ito na opisyal na sila ni Bea Alonzo?

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/21/2021 11:42 AM
CONFIRMED? Post ni Dominic Roque sa Tiktok, patunay na sila na ni Bea Alonzo?
Photo Credit: @dominicroque and @beaalonzo Instagram

Usap-usapan muli ngayon sa online world kung ano nga ba ang real score sa pagitan nina Dominic Roque at Bea Alonzo. Ito ay matapos mag-post si Dominic ng isang Tiktok video kung saan ay nagpunta siya sa isang Japanese restaurant at may ‘mystery girl’ siyang kaholding hands.  

“Jap night is date night,” sabi lang ng aktor sa kanyang caption.

 


@roquedominic

Jap night is date night.❤️ ##fyp

♬ swing lynn - ✮❦lovdfilmz❦✮⋆

 

Pero kahit saglit lang ang pasulyap ni Dominic sa babaeng kasama niya, mabilis naman ang ilang fans na napansin ang relo na suot ng kaholding hands niya. Ani ng iba, kapareho ng madalas na suot na relo ni Bea ang suot din ng nasabing babae. 

Matatandaan noong Abril, inamin ni Bea Alonzo sa panayam ni G3 San Diego na dating nga ang status nila ni Dominic Roque. Pero itinanggi nito na opisyal na silang magkasintahan.

 

 

“No. Wala pa kami. Ang hirap kasing sabihin, alam mo, parang in a way, as much as I don’t want to be a prisoner of my past, meron din akong parang, nahihiya ako sa mga tao na ‘I’m 33, I am dating.’

READ: Bea Alonzo confirms she’s dating Dominic Roque

“Hindi ko alam kung it will materialize into something else or like it would lead to something else but then, what if I fail again? I don’t want to keep failing in front of you guys, it’s embarrassing,” aniya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

 

Bago sa pag-amin ni Bea ay ilan beses na ding spotted ang dalawa na magkasama, pati sa ilang trips tulad ng Palawan at Japan.