• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ni Robin Padilla na hiwalay na ang kanyang anak na si Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Robin Padilla, kinumpirma ang hiwalayan ng anak na si Kylie at Aljur Abrenica

Inamin ni Robin Padilla na hiwalay na ang kanyang anak na si Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/08/2021 03:03 PM
Robin Padilla, kinumpirma ang hiwalayan ng anak na si Kylie at Aljur Abrenica
Photo Credit: @ajabrenica and @marieltpadilla Instagram

Matapos ang kaliwa’t-kanang spekulasyon tungkol sa tunay na estado ng relasyon nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica nitong mga nakaraang buwan, nabigyan na ng kasagutan ang katanungan ng publiko. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)


 

Sa vlog ng entertainment reporter at radio host na si Ogie Diaz, hindi naman naiwasang maitanong kay Robin kung paano niya hinarap ang isyu tungkol sa umano’y hiwalayan ng kanyang anak. 

Nitong Pebrero, naging usap-usapan ang mga naging posts ni Kylie sa social media kung saan nagpahayag ito na tila nakamtan ang kalaayan dahi sa salitang “free” kasabay ang larawan ng kamay na hindi suot ang kanyang wedding ring. 

“Hiwalay? Wala, wala namang … una, walang sinasabi yung anak ko,” sagot ni Robi kay Ogie. 

"Noon pa, lagi kong tinatanong si Kylie, 'Argabyado ka ba?’ Hindi naman daw, 'Okay lang ako, Pa,’” pagbabahagi ni Robing tungkol sa naging pag-uusap nila ng kanyang anak. 

"Ito, noong tinanong ko siya ulit, 'Anak, argabyado ka ba?' 'Hindi, Pa, ako ang nakipaghiwalay, eh,’” dagdag pa niya. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)

 

Nilinaw naman ni Robin na hindi siya nakialam sa hiwalayan ng dalawa dahil wala umano siyang papel dito. 

“Wala namang papel ang tatay doon, ako, ha. Ibig kong sabihin, hindi ka dapat makialam kahit na sa away ng mag-asawa 'yun, eh. May mga anak pa,” saad ni Robin. 

Inamin naman ni Robin na nasaktan siya sa nangyari sa kanyang anak. 

"Ang sakit, siyempre, sa akin. Siyempre. At saka nasa akin ang remembrance eh. Naiwan yung... yung mga apo nasa nanay. Pero hindi yun ano, hindi isyu ‘yun.

"Siyempre, walang sakitan ng pisikal. Ako, yun lang naman ang sinabi ko kay Aljur eh,” dagdag pa nito. 

Nang tanungin third party ang isa sa mga dahilan ng hiwalayan, sagot ni Robin: "Meron daw eh. Eh kaimposiblehan ba 'you? Hindi ‘yun kaimposiblehan. 'Yun ang sinasabi ko kay Kylie, lalaki 'yan.” 

READ: Tanong ng netizens: Aljur Abrenica at Kylie Padilla, hiwalay na nga ba?

Hindi na raw umano kinaya ni Kylie kahit pa sinubukan pa nitong ipaliwanag ang mga bagay-bagay sa kanya. 

"Sino maiintindihan ko? Eh lalaki ako. Kaya lang, hindi na uso ang mga martir ngayon. Tanggapin na natin 'yun. Wala na tayo dun. ‘Yun ang unang-unang sinabi ko kay Kylie noong nag-usap kami,” saad niya. 

"Sabi ko, 'Lalaki ang asawa mo. Pasalamat ka nga, lalaki, eh. Eh wala, hindi raw niya kaya,” ani pa niya. 

Samantala, pinayuhan naman umano ni Robin sina Aljur at Kylie na itigil na ang pag-popost sa social media. 

"Tumatawag si Aljur sa akin, hindi ko sinasagot. Minessage ko lang siya, sabi ko, 'Isa lang ang gusto ko, tumigil kayo sa social media, nakakahiya 'yan. Baduy na baduy ako dun sa sa social media,’” sambit niya. 

"Para sa akin lang, makikita ng mga anak niyo 'yan,” dagdag pa niya. 

Pinayuhan din umano niya ang mga ito na magkasundo pa rin lalo’t “nagmahalan” naman umano ang mga ito. 

"Sa akin, ang dalawang mag-asawa na hindi na nagkakasundo, hindi kayo dapat maghiwalay nang magkaaway. Bakit? Nagmahalan naman kayo eh.  Nasarapan naman kayo pareho. Hindi kayo kailangang mag-away,” aniya. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

 

"Dahil ano ang dahilan? Dahil nagtaksil yung isa? Tao ka, mangyayari't mangyayari 'yan. Hindi 'yan pwedeng hindi mangyari. Kalokohan. Lalo na nasa showbiz tayo,” dagdag pa niya. 

Hindi naman umano kailangan na humingi pa ng paumanhin sa kanya si Aljur lalo pa’t hindi naman pisikal na sinaktan ang kanyang anak. 

"Hindi na kailangan. Ang baduy nun, pare. Mag-sorry ka kung sinaktan mo nang pisikal. Iba 'yon, ha-hunting-in kita. Huwag mong gagawin sa anak ko 'yun. Hindi ko sinaktan 'yang batang 'yan. Huwag mong gagawin 'yun, pare,” saad ni Robin. 

Dagdag pa niya: “Pero ‘yung mga ganyang nambababae, natatawa pa ako diyan. Sa panahon ngayon, hindi ako naniniwalang may lalaking makakatanggi sa tukso."

Naniniwala naman si Robin na sina Kylie at Aljur lang ang magkakapagayos ng kanilang problema.

Dalawa lang ang pwedeng mag-ayos ng kanilang problema at naniniwala siyang sina Aljur at Kylie lamang ito. 

"Sa akin, opinyon ko, baduy sa akin 'yun. Wala tayong ano diyan eh. Kapag nilapitan mo ako, titingnan lang kita. Walang pwedeng umayos niyan kundi yung dalawa. Kasi, makikialam tayo, pipilitin natin ’yung dalawa,” pahayag ni Robin. 

READ: ‘Far from Instagrammable’: Kylie Padilla gets candid about reality of being a parent

"Magsasama ngayon yung dalawa dahil sa atin. Eh kung magkapisikalan 'yan? Sino ngayon ang mag-aaway pagkatapos niyan? Tayong dalawa na,” dagdaga pa niya. 

"Gusto mo ba akong kaaway? 'Yun lang naman 'yon, ayaw kong maging magkaaway tayo. 'Yun lang naman ang point ko,” pagpapatuloy nito. 

Naniniwala naman si Robin na may nararamandaman pa ang dalawa sa isa’t-isa. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

 

Saad niya: “Imposibleng wala 'yan. Meron 'yan."

"Sana. Siyempre para sa mga bata, sa mga anak nila. At sana huwag na nilang patagalin kung magbabalikan man sila,” saad ni Robin. 

"Kasi kapag tumagal 'yan, masyado nang maraming mangyayari,” dagdag pa niya,” dagdag pa niya.