• Home
  • Fresh Scoops
  • Ito ang usap-usapan ngayon sa online world matapos mag-post ni Kylie Padilla social media ng iba’t-ibang mensahe na tila nagpapahiwatig na may namumuong problema sa kanila ni Aljur Abrenica.

Tanong ng netizens: Aljur Abrenica at Kylie Padilla, hiwalay na nga ba?

Ito ang usap-usapan ngayon sa online world matapos mag-post ni Kylie Padilla social media ng iba’t-ibang mensahe na tila nagpapahiwatig na may namumuong problema sa kanila ni Aljur Abrenica.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/23/2021 04:40 PM
Tanong ng netizens: Aljur Abrenica at Kylie Padilla, hiwalay na nga ba?
Photo Credit: @ajabrenica Instagram

Mainit na pinag-uusapan sa social media ang umano’y hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla kasunod ng mga mga sunod-sunod na posts ng huli na tila may kaugnay sa estado ng relasyon nila ngayon. 

 

 

Sa Instagram stories, ibinahagi ni Kylie ang iba’t-ibang litrato na paniwala ng ilan nilang tagahanga ay nagpapahiwatig na may namumuong problema sa relasyong nila bilang mag-asawa. 

“I’m submissive, not stupid,” saad ni Kylie sa kanyang naunang Instagram story post. 

READ: Robin Padilla’s advice for daughter Kylie Padilla: ‘Huwag muna silang mag-anak uli’

Sa isa pa nitong post nito sa kanyang Instagram story, sinabi ni Kylie na: “More self-love, baby girl.”

Lalo pang umigting mga speskulayon ng netizens nang ibahagi ni Kylie ang isang litrato kung saan makikitang wala na siyang suot na wedding ring at may caption na: “Free.” 

 

 

Bagama’t binura na ni Kylie ang nasabing post, nakuha pa itong i-screenshot ng ilang netizens. 

Sa isa pang Instagram story post, ibinahagi ni Kylie ang isang quote na may kinalaman sa pagpapalaya. 

Kapansin-pansin din sa Instagram account ni Kylie na burado na ang ilang mga litrato kasama ang kanyang asawa. 

READ: Aljur Abrenica marries Kylie Padilla

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang dalawa patungkol sa kumakalat na isyu.

Tingnan ang tweets ng ilang netizens sa ibaba: 

 

 

 

 

Unang nagdate sina Kylie at Aljur taong 2011 pero naghiwalay ang dalawa noong 2014. Noong November ng 2016, na-chismis na nagkabalikan ang dalawa. Nagpropose si Aljur kay Kylie noong 2017 at tuluyang ikinasal ang dalawa noong  December 11, 2018. Mayroon silang dalawang anak, sina Alas Joaquin at Axl Romeo Abrenica.