• Home
  • Fresh Scoops
  • Yam Concepcion at partner nito na si Miguel Cuunjieng, ikinasal sa isang barko sa New York.

TINGNAN: Yam Concepcion, ikinasal na sa New York

Yam Concepcion at partner nito na si Miguel Cuunjieng, ikinasal sa isang barko sa New York.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/25/2021 01:13 PM
TINGNAN: Yam Concepcion, ikinasal na sa New York
Photo Credit: @mjfelipe Twitter

Ikinasal na ang Kapamilya star na si Yam Concepcion sa kanyang longtime boyfriend na si Miguel Cuunjieng.

 

 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe ang isang larawan kasama ang bagong kasal pati na ang columnist na si Tim Yap.

Sa nasabing larawan, makikita sa likod ang sikat na Statue of Liberty na matatagpuan sa Liberty Island sa New York Harbor.

READ: Yam Concepcion announces engagement

Ayon kay MJ, ikinasal ang dalawa sa isang intimate civil wedding ceremony na dinaluhan ng malalapit na pamilya at kaibigan ng dalawa.

Nagbahagi din si Tim Yap na mga larawan at video kung saan ipinasilip ang kakaibang kasalan ng dalawa na nakasakay sa isang barko habang ginagawa ang seremonya.

 

 

Nakuhanan din ni Tim ang parte ng wedding vow ng dalawa.

"I will always believe that it wasn't only fate that brought us together. It was our constant effort of making time for each other, whether it be video calls, leaving voice messages, or extra-long texts,” saad ni Yam.

READ: Yam Concepcion, fiancé share engagement story

Samantala, una nang inanunsyo ni Yam ang kanyang engagement kay Miguel noong nakaraang buwan lamang.

Ngunit sa isang vlog na inilabas ng bida sa seryeng Init Sa Magdamag, taong 2018 pa nang ma-engage siya sa kanyang boyfriend sa Niseko, Japan.

Samantala, inabot naman ng anim na taon ang relasyon ng dalawa bago sila ma-engage.