Dennis Padilla, umaasang rerespetuhin ni Gerald Anderson bilang ama ng anak na si Julia Barretto | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dennis Padilla, umaasang rerespetuhin ni Gerald Anderson bilang ama ng anak na si Julia Barretto

PUSH TEAM
Published Jun 08, 2021 02:54 AM PHT

Umaasa ang komedyanteng si Dennis Padilla na kikilalanin siya at bibigyan ng respeto ng aktor na si Gerald Anderson bilang ama ng kanyang anak na si Julia Barretto.

Sa vlog ni Ogie Diaz na pinaunlakan ni Dennis, sinabi nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakapag-usap ni Gerald tungkol sa relasyon nito sa anak niya hanggang ngayon.

Gayunpaman, umaasa pa rin si Dennis na tatawagan siya ng aktor para maipakita umano nito na nirerespeto siya bilang ama ni Julia at para na din makapag-usap sila ng masinsinan.

Sa nasabing vlog, binalikan din nila ang panahon kung saan nag-usap sila tungkol sa kontrobersiyang kinaharap ng kanyang anak sa gitna ng napabalitang paghihiwalay nila ng aktres na si Bea Alonzo noon.

Matatandaang si Julia ang sinisising dahilan ng hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Ngunit ayon kay Dennis, kay Gerald mismo nanggaling na hindi sila ni Gerald noon.

“Natanong ko kay Gerald noon kung ‘syota mo pa ba si Bea?’ Ang sabi niya, ‘Hindi.’ Sabi ko, ‘Okay, para ‘wag naman lumabas na kontrabida yung anak ko,’” ani Dennis.

Nangako din umano si Gerald sa kanya na magpapaunlak ito ng panayam para ipagtanggol ang kanyang anak ngunit hindi ito kailanman nangyari.

“Tapos sabi ko, ‘Sana ipagtanggol mo in public.’ Sabi niya, ‘Sige tomorrow, Tito Dennis, magbibigay ako ng interview,’” saad ni Dennis.

Dagdag pa nito: “And then noong gabi na ‘yun, doon na-ambush interview si Bea. ‘Ay, hindi ko alam na wala na kami. Basta hindi na lang siya tumawag.”

Hindi naman umano napigilan ni Dennis na makaramdam ng galit sa aktor dahil tingin niya ay nagsinungaling ito sa kanya.

Samantala, may pakiusap naman si Dennis sa aktor. “Mahalin niya lang ‘yung anak ko. Sana huwag mong lolokohin at saka huwag mong sasaktan.”

Humirit pa si Dennis at sinabing sana ay ipakita ng aktor ang respeto sa kanya bilang ama ni Julia at kilalanin siya bilang ama nito.

“Okay sa akin kung kakausapin niya ‘ko. Malaking bagay sa akin ‘yun kasi it’s showing your respect to the dad ng minamahal mo. Kasi mas mapapakita mo na mahal mo siya, ‘yung anak ko, kung irerespeto mo ‘yung tatay niya,” ani Dennis.