• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpahayag ng kaniyang suporta ang aktor at ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla sa pagsasampa ng kaso ng aktres laban kay Jay Sonza.

Dennis Padilla kay Julia Barretto: ‘Kapag mayroon kang taong minamahal, pinoproteksyunan mo’

Nagpahayag ng kaniyang suporta ang aktor at ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla sa pagsasampa ng kaso ng aktres laban kay Jay Sonza.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/05/2020 08:39 AM
Dennis Padilla kay Julia Barretto: ‘Kapag mayroon kang taong minamahal, pinoproteksyunan mo’
Photo Credit: @dennisastig Instagram

Aminado ang aktor na si Dennis Padilla na ikinalungkot niya ang pinagdaraanan ng anak na si Julia Barretto.

Kasunod ito ng pagsasampa ng kaso ng aktres laban sa paglabas ng malisyosong Facebook post ng dating mamahayag na si Jay Sonza na nagsabi na di umano’y pagdadalang tao ni Julia.

READ: Julia Barretto formally files a complaint vs Jay Sonza


Sa panayam ng Cinema News Home edition, nagbigay ng kaniyang saloobin ang actor comedian para sa anak.

“I feel sad din na nakaka experience si Julia ng mga ganito dahil siyempre instead of focusing on your career and your plans sa buhay, ay may mga konting obstacle na dumarating and I’m sure naman na Julia can handle it kasi matapang rin naman ‘yan e, alam niya kung kailan dapat lumaban at alam rin niya kung dapat mag apologize,” tugon ni Dennis sa panayam ng Cinema News.

Aniya, kahit na kilalang malapit na kaibigan ng kanilang pamilya, ipinaubaya na rin umano ni Dennis ang desisyon sa pagsasampa ng reklamo sa kaniyang anak na si Julia.

“Sinabi ko nga na I hope wag nang umabot sa kasuhan, ang gusto ko sana we can settle this amicably and I hope that Jay Sonza, si Kuya Jay ay mag public apology na lamang. Kaya lang siyempre karapatan rin naman ng anak ko na mag file ng kaso kasi she’s an adult and she has to protect her name,” sabi pa ni Dennis.

Patuloy pa niya: “Number 1, Ano siya e sikat na aktres, ‘di ba, nirerespeto ng maraming fans and I respect her decision because she’s an adult she’s already 23 so kung ano man ang mga desisyon niya andon lang ako sa likod niya, kaya nung mag file siya, tinext ko lang siya na ‘Anak, I’m just a text away, andito ako sa batangas doing a teleserye with KathNiel’ tapos sumagot siya ‘Thanks Papa, ingat ka diyan sa taping, be safe and observed all health protocols’ yun ang sinabi niya,” saad na kuwento pa ng aktor.

Dito, nagbigay pahayag at pakiusap na rin si Dennis para sa kaniyang nirerespetong kaibigan.

“Yes number, 1 kuya Jay, ikaw ay nirerespeto ng lahat. Nirerespeto kita hindi ka rin iba sa akin, kuya na rin kita dito sa industriya. I hope you make a public apology for my daughter and for us, for me sa tatay ni Julia at for Marjorie sa nanay niya and for the whole Baldivia clan and the whole Barretto clan, kasi mahal namin ‘yun e, mahal namin kaya kapag mayroon kang taong minamahal, pinoproteksyunan mo ‘yun at kapag alam namin na ang laban niya e’ parehas siyempre doon kami,” sabi pa niya.

Dahil sa pagsasampa ng kaso ni Julia, nagbigay naman ng kaniyang suporta ang aktor para sa kaniyang anak na aniya ay handa siyang samahan sa magiging laban nito.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig) on

 

“Yes I’m willing. Siyempre anak ko ‘yun e ‘di ba? Pero ako ang wish ko lang na kuya Jay mag public apology ka na lang para sa anak ko. Regalo mo na sa akin ‘yun. Di naman ako iba sa ‘yo,” pahayag pa niya.

RELATED ARTICLE: Dennis Padilla, hiling na makasama sa isang proyekto ang anak na si Julia Barretto

Sa ngayon, naka lock in sa isang private house si Dennis kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na abala ngayon sa kanilang upcoming digital series na The House Arrest of Us na mapapanood simula ngayong October 24.