• Home
  • Fresh Scoops
  • Masaya naman si Zeinab Harake sa kanyang bagong tungkulin bilang isang ina.

PANOORIN: Zeinab Harake, emosyonal na ibinahagi ang kanyang pinagdaanang pagbubuntis

Masaya naman si Zeinab Harake sa kanyang bagong tungkulin bilang isang ina.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

05/06/2021 03:30 PM
PANOORIN: Zeinab Harake, emosyonal na ibinahagi ang kanyang pinagdaanang pagbubuntis
Screenshot from Zeinab Harake YouTube Channel

Magkakahalong emosyon ang naramdamanan ng vlogger na si Zeinab Harake nang ibahagi niya ang kanyang pinagdaanang pagbubuntis sa kanyang vlog na inilabas kamakailan. 

Ani Zeinab, pinangarap niya ang magkaroon ng sariling pamilya kaya naman ramdam niya ang swerte ng ipinanganak niya ang kanyang unang sanggol sa partner niyang si Skusta Clee. 

“Sobrang lucky kong tao to have Bia … to have my own family. As in pinangarap ko ‘to. Kung meron akong clips na nagsimula na sa pagbubuntis ko … ‘yung mga baliwan moments ko nu’ng buntis ako, ‘yung mga checkups ko. Kasi hindi naman ako nagkulang du’n, ‘yung mga way para alagaan ko si Bia,” saad ni Zeinab. 


READ: Vlogger na si Zeinab Harake, buntis sa unang anak nila ni Skusta Clee

Bagama’t maraming pinagdaanang pagsubok, sinabi ni Zeinab na hindi niya mapigilan maiyak sa saya nang makatabi sa unang pagkakataon ang kanyang anak. 

“Lahat ng paghihirap ko du’n sa pagbubuntis, moments ko hanggang sa delivery ko. Lahat ‘yun worth it nu’ng nakita ko si Bia na hanggang ngayon ‘pag nakikita ko ‘yung picture ng anak ko or kaya hawak ko siya or katabi ko siya, hindi ko talaga mapigilan hindi maiyak sa sobrang saya,” ani Zeinab. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

Ramdam naman umano niyang ang postpartum depression sapagkat hindi niya mapigilan ang pag-iyak hanggang ngayon.  

“Nagulat ako na hanggang ngayon umiiyak ako kasi iyak nga ako ng iyak. Siguro dala na lang din ‘to ng sabi nila pagkapanganak talagang iyakin ka or may post-partum kang tinatawag or ayun nai-stress ako,” saad ni Zeinab. 

Gayunpaman, masaya siya na nabigyan siya ng maayos na pamumuhay at magandang pamilya. 

“Pero gusto kong magpasalamat unang-una sa Diyos kasi kahit na nahihirapan ako, binigyan niya ako ng isang healthy na bata. ‘Yun naman ang pinaka importante du’n magandang buhay, magandang pamilya. Wala na akong masasabi or mahihiling pa,” saad ni Zeinab. 

READ: Zeinab Harake sa pagbubuntis niya: ‘Hindi ‘to karma’

Hindi naman umano maipapangako ni Zeinab na makakapaglabas agad siya ng vlogs ngunit susubukan niyang gumawa agad para sa kanyang mga tagahanga. 

“Hindi ko man masabi na makakagawa pa ako ng videos. Ito, dahil kailangan kong magpagaling. Hirap nga. Ang hirap kahit paglalakad ko, hindi ko kaya. Tumawa nga hindi ko kaya. Kasi ang sakit nu’ng tahi ko. Alam naman siguro ng mga CS moms ‘yan. So mahirap talaga siya. Ilalaban ko and lalaban ako kasi meron akong happy pill na Bia,” aniya. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-aadjust ni Zeinab sa kanyang buhay bilang isang ina.

“Nakakapanibago lang dito sa bahay. Mag-CR lang ako or kaya matutulog ako, nalulungkot ako. Kasi kailangan nakikita ko siya lagi,” aniya.