Apat na branches ng Hazelberry Cafe ni Ara Mina pinagtangkaang nakawan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Apat na branches ng Hazelberry Cafe ni Ara Mina pinagtangkaang nakawan

Leo Bukas
Published Apr 08, 2021 12:50 AM PHT

Naalarma si FPJ’s Ang Probinsyano star Ara Mina sa motibo ng mga nagpadala ng text messages sa kanyang staff sa Hazelberry Café nitong Martes, April 6, 2021. Nagpapanggap kasi ang texter na siya si Ara Mina (Hazel Reyes in real life), ang owner ng Hazelberry Café at tinatanong kung pumasok ba ang lahat ng kanyang staff that day.

“Good morning, kumusta kayo diyan? Sinu-sino ang pumasok ngayon? Maam Hazel ito, pumasok ba lahat?” ang laman ng magkakatulad na text messages na ipinadala sa Hazelberry staff ni Ara Mina sa Ayala Mall Feliz, Don Antonio (Quezon City), Molito (Alabang) at Angeles (Pampanga) branch.

Posibleng ang intensyon ng nagpadala ng text messages ay pagnakawan ang resto o kaya’y lokohin kung sinuman ang staff na naka-duty.

“Sa ganitong panahon ng pandemic, hindi ko lubos maisip kung bakit may nakakagawa pa ng ganitong panloloko.

ADVERTISEMENT
“Someone or maybe some people are attempting na lokohin at pagnakawan ang mga branches ng #Hazelberry by sending messages like these at nagpapanggap na ako. Ang galing ng mga taong ito!” reaksyon ni Ara Mina sa nangyari.

“Pero kung gagamitin nila ang galing at talino nila sa kabutihan at hindi sa kasamaan, mas magkakaron pa tayo ng pag-asang makabangon from this crisis.

“Maliit na negosyante lang po kami, na nagsusumikap na maghanapbuhay kahit na hirap na hirap na tayo sa sitwasyon,” dagdag pa ni Ara.

Kaagad namang inalerto si Ara ng kanyang staff sa kahina-hinalang text messages na kanilang natanggap.

“Salamat na lang sa Diyos at alisto ang mga staff namin and they know what to do sa mga kaduda-dudang pagkakataon.

“Hindi mababaw ang ganitong klaseng panloloko,” lahad pa niya.

Pinag-iingat din ni Ara ang mga katulad niyang merong business para maiwasang mabiktima ng mga manloloko.

“Anyway, sa mga kapwa ko business owners, beware of ploys such as this. Be safe, not only against the virus,” deklara pa niya.