EXCLUSIVE: Ara Mina, ikinuwento ang mga pinagdaanan bago naging successful ang kanyang Hazelberry Café | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
EXCLUSIVE: Ara Mina, ikinuwento ang mga pinagdaanan bago naging successful ang kanyang Hazelberry Café

Leo Bukas
Published Nov 18, 2018 05:10 PM PHT

Ayon kay Ara Mina sa exclusive interview ng PUSH, sa dami ng sinubukang niyang business ay sa Hazelberry Café lang siya naging super successful.

“Oo naman, oo naman. Ang dami ko nang tinayong business. Nag-Italian restaurant pa ako, yung Osteria Italia na naging Osteria 88. Four years din yung tumagal.

“Tapos naging part owner din ako ng Cosmopolitan Bar and Café, pero nagsara din yon kasi nag-away yung dalawang partner ko don.

“Sa Marikina, nag-put-up naman ako ng Café Mina na one year lang tumagal. Sinarado ko yon bago mag-Ondoy. Tapos nagtayo kaming Bubble Gang Toppings nina Ogie (Alcasid), Bitoy, Rufa Mae, etcetera. Mga eight months din lang yon tumagal,” pagdedetalye ng aktres.

ADVERTISEMENT
Maging ang casting agency at pagma-manage ay pinasok din daw niya.

“Naalala mo, nag-casting agency, yung Posh Model. Naging talent pa namin noon si Uma Khouny bago siya pumasok ng PBB,” pagre-recall pa niya.

Patuloy ni Ara, “Pero ang unang-una ko talagang business bago ako mag-restaurant ay yung Ara and Haydie Video House na parang ACA Video at Video City. So habang ongoing yung business namin, biglang nauso yung piracy, humina kami. Unang business ko pa lang palpak na.”

Dahil hindi naman nagsa-succeed kaya sinukuan na ni Ara ang restaurant business.

“Ayoko nang mag-restaurant, ayoko na. Nagpahinga ako ng seven years. Nag-online business na lang ako ng Ara’s Secret. Pero bago yon, nagtayo muna ako ng kiosk.

“Pumatok yung Ara’s Secret ko online. Happy na ako don, eh. Tapos nung hindi masyadong okey yung career ko nag-aral ako ng Culinary. Nung nagbe-baking class ako, bumalik yung passion ko sa baking.

“Kasi bago ako mag-artista, nagbe-bake na rin ako, eh. Ang una kong natutunan is the coconut macaroons. Tapos sunod is brownies. Tapos nung natanggap ako sa That’s Entertainment kinalimutan ko na yung pagbe-bake,” kuwento pa niya.

Hindi akalain ni Ara na babalik ang passion niya sa baking.

“Nung bumalik yung passion ko sa baking nag-enroll pa ako ng another course for pastry class. Tapos bumili na ako unti-unti ng gamit parang hobby lang, sa bahay lang. Nagbi-bake ako para sa mga kamag-anak ko, family ko.”

Sa birthday party ng kanyang pamangkin nagsimulang kumalat na masarap ang kanyang ginawang cupcake.

Nakakatuwang kuwento ni Ara, “Yung sister-in-law ko in-approach ako, ‘Ate, magbibinyag yung pamangkin mo, puwede bang gumawa ka ng cupcake?’ Sabi ko, anong cupcake? ‘Red velvet cupcakes.’

“Sabi ko, ‘Ano yon? Hindi ko pa natitikman yon, saan ba meron dito no’n?’ Uso pala yon sa Amerika at meron daw sa internet na recipe non.

“Ang dami kong ginayang recipe, walang umokey. Siguro, naka-seven tries ako bago ko siya na-perfect. Si Patrick (Meneses) pa nga ang taga-tikim ko noon.

“So nung binyag na, ‘Ate, ang sarap daw nung red velvet cupcake, sabi ng mga bisita, saan ko daw inorder.’ Baka raw puwedeng mag-order sila. Tapos yon na, naging word of mouth na, do’n na ako nag-start na i-online yung pastries ko.

“Five years akong sumasali sa bazaar, five years akong online and after five years nag-decide na akong mag-put-up ng café. Nilabas ko na lang yung ibang recipe ko nung nag-café ako,” sambit pa niya.

Sa tingin niya bakit naging successful ang kanyang pastry business?

“Nakatulong din talaga ang social media. And I can say na sa lahat ng business ko dito ako talaga pinaka-hands on kasi ako ang gumagawa. As in talagang idea ko lahat,” proud niyang pahayag.

Sa kasalukuyan ay may three branches na ang Hazelberry Café. Ang una ay sa Pwesto Community Mall along Holy Spirit Drive (Quezon City) at sa Madison Galeries Shopping Mall sa Alabang.

Malapit na ring magbukas ang branch nila sa Ayala Malls Feliz along Marcos Highway, Pasig.
Naghahanda na rin ng commissary si Ara para sa pag-i-expand pa ng kanyang business para sa gustong mag-franchise.