• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Lyca Gairanod sa kanyang mga tagahanga ang kanyang nabiling sasakyan.

PANOORIN: Lyca Gairanod, nakabili na ng sariling sasakyan

Ibinahagi ni Lyca Gairanod sa kanyang mga tagahanga ang kanyang nabiling sasakyan.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/04/2021 05:30 PM
PANOORIN: Lyca Gairanod, nakabili na ng sariling sasakyan
Photo credit: @lycagairanod.1 IG

Ipinasilip ni Lyca Gairanod ang naipundar niyang sasakyan para sa kanyang sarili sa kanyang pinakabagong vlog. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Lyca (@lycagairanod.1)


 

Sa kanyang pinakabagong post, ibinahagi ng dating The Voice Kids champion na nakabili na siya ng bagong sasaskyan sa edad na 16. 

Ani Lyca, matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sarili niyang sasakyan. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Lyca (@lycagairanod.1)

 

“Isa na rin ito sa dream ko na magkaroon ng sariling sasakyan, ‘di ba? Ayun mga ka-charan, i-uupdate ko na lang kayo kung kailan ko na siya makukuha or pwede ko na siya makuha,” ani Lyca.  

“Sana more more blessings na matatanggap ko kay God and of course, I’m very thankful kasi may family ako na sobrang positive, sobrang mapagmahal na pamilya,” saad ni Lyca. 

PANOORIN: Paano ipinagdiwang ni Lyca Gairanod at ng kanyang lola ang pagkakaroon niya ng 1M YouTube subscribers

Dagdag pa niya: “Dati, pangarap ko talaga magkaroon ng sariling sasakyan. And ngayon, pinush ko talaga na magkaroon ng sariling sasakyan.” 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Nangako naman si Lyca sa kanyang mga tagahanga na maglalabas siya ng car tour video sa susunod na video na kanyang ilalabas. 

Samantala, nagawang ipaayos ni Lyca ang bahay ng kanyang Lola simula nang mag-vlog ito. 

Lyca Gairanod, ipapagawa na ang bahay ng kanyang lola

Oktubre naman nitong taon nang makasungkit sa Lyca ng isang milyong subscribers sa kanyang YouTube channel. 

Nakilala si Lyca noong taong 2014 matapos niyang sumali sa sikat na reality singing competition na The Voice Kids kung saan siya ang tinanghal na kampeon. 

Muli namang ipinamalas ni Lyca ang kanyang talento sa pagkanta sa kompetisyon na Your Face Sounds Familiar.