Lyca Gairanod, ipapagawa na ang bahay ng kanyang lola | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lyca Gairanod, ipapagawa na ang bahay ng kanyang lola

PUSH TEAM
Published Aug 31, 2020 11:05 PM PHT

Matapos ang kanyang madamdaming pagbisita sa dati niyang tinitirahang bahay sa Tanza, Cavite, muling binisita ni Lyca ang lugar kung saan siya lumaki upang suklian ang pagmamahal na ibinigay sa kanyang ng kanyang 86 anyos na lola.

“Marami ang nag-rerequest, marami akong nakikita sa mga comments. Ipapagawa ko na po ang bahay ni Lola. Pero matagal ko na po talaga gusto ipagawa ang bahay ni lola. Malakas lang po talaga ang alon,” ani Lyca.

Nang tanungin ni Lyca ang kanyang Lola kung ano ang gusto nitong baguhin sa kanyang bahay, sagot nito: “Simple lang.”

“Lola ko kasi napaka-simple lang nito. Kung ano lang ‘yung binigay mo sa kanya, ‘yun lang ‘yung tatanggapin niya,” paliwanag ni Lyca sa naging saad ng kanyang Lola.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Lyca, ipapagawa niya ang bahay upang masigurado na ligtas ang kanyang lola.

Kinuha na rin ni Lyca ang pagkakataon sagutin ang mga namba-bash sa kanyang dahil hinayaan lang umano nito na tumira ang kanyang lola sa nasabing bahay.

Bagama’t ipinaliwang ni Lyca ang dahilan kung bakit hindi nakatira ang kanyang lola sa kanyang bagong bahay, muling nilinaw ng ‘The Voice Kids’ champion na maraming beses na niya itong pinilit na lumipat.

“Kahit ano’ng pilit ko kay Lola, kahit ano’ng sabi ko na ‘La, doon ka na sa bahay’ kasi baka hindi siya safe dito ganu’n nga, guys ayaw po niya talaga. Kung saan po siya kumportable doon po talaga siya,” kuwento ni Lyca.

Dagdag pa niya: “Gusto niya po talaga dito dahil sobrang lapit na ng loob niya dito sa lugar na ‘to. And siyempre alanga naman pilitin natin ang lola natin ‘di ba? Kung ayaw talaga ng lola ko, siyempre susuportahan na lang natin ‘yun.”

Sambit naman ng lola ni Lyca: “Minahal ko na rin ‘tong bahay na ‘to.”

Panoorin ang video sa ibaba:
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Lyca Gairanod ang kauna-unahang grand winner ng The Voice Kids sa Pilipinas. Napanalunan niya ang isang bahay at lupa bilang isa sa premyo niya noon.