• Home
  • Fresh Scoops
  • Tila hindi nagustuhan ng singer na si Geneva Cruz ang naging komento ng ilang netizen sa kanyang swimsuit photo.

Geneva Cruz, sinagot ang basher

Tila hindi nagustuhan ng singer na si Geneva Cruz ang naging komento ng ilang netizen sa kanyang swimsuit photo.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/12/2021 01:21 PM
Geneva Cruz, sinagot ang basher
Photo Credit: @genevacruzofficial Instagram

Tila hindi nagustuhan ng singer na si Geneva Cruz ang naging komento ng ilang netizen sa kanyang swimsuit photo.

Sa kanyang Instagram noong Lunes, Marso 8, isang retrato ang ibinahagi ni Geneva kung saan makikitang nakasuot siya ng pulang two-piece swimsuit. Kuha ang nasabing larawan sa Boracay kung saan nagbakasyon ang singer at ang kanyang pamilya noong Pebrero.

 


 

Hindi naman napigilan ni Geneva ang palagan ang ilang netizen na pumuna sa kanyang singit.

Isa na rito ang komento na nagsasabing: "What is up with the black color in the middle, is that pubes or just dark? Looks like a thick pubes."

Sagot ni Geneva: "I have no idea what you're saying, but I think it's called #IDGAF what you're imagining. Hope your gaudy sense of humor makes you pretty."

Mayroon ding nagsabing, "Ang itim ng singit," na hindi rin pinalagpas ng singer.

"It's called 'shadow.' Pasensya ka na, I forgot to photoshop it for your delight. I'm just a single mother of two, and the groin that you are making fun of is connected to the organ where my two children came out, and although that had happened twice to this body, it is stronger and more beautiful than ever. I feel sorry for your mother because she raised a prick. Take care," sagot ni Geneva.

Kamakailan lamang ay naging laman ng balita si Geneva matapos nitong bumuwelta sa isang basher na tinawag siyang matanda na.

"Mas matanda ka," ang naging sagot ng singer sa netizen. "Lakas mo makatanda diyan! LMAO (laughing my ass off) Matanda ka na naiinggit ka pa.

“Umayos ka nga po. Be nice to people," dagdag pa niya.

READ: Geneva Cruz shares she is staying for good in PH, reveals she is in a long distance relationship

Pahayag pa ni Geneva: "Just because I'm in my 40s, I'm old na? Eh before nga nasabihan ako na 'wag na 'ko kumanta because I'm old na? Eh performing is my livelihood, it's how I support myself, my children, and my family. So excuse me lang if nagsasalita ako kung kinakailangan.

"I'm 44 years old, but deep inside, I feel younger than those digits. Age is only a number, and you know why I look more youthful than my age? Because I choose to only wish my fellow people love and support. When someone needs uplifting, I'm all for it. I will remind that person that he or she is special. Life is too short to be remembered as someone rude and arrogant."

Napapanood ngayon si Geneva sa Your Face Sounds Familiar bilang isa sa mga celebrity performers. Mapapanood ang palabas tuwing Sabado at Linggo ng gabi sa A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iWant TFC.