• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi napigilan ni Rita Avila na maglabas ng sama ng loob kasunod ng natanggap na masasakit na salita tungkol sa kanya at asawang direktor na si FM Reyes.

Rita Avila, hiniling na respetuhin siya bilang beteranang artista

Hindi napigilan ni Rita Avila na maglabas ng sama ng loob kasunod ng natanggap na masasakit na salita tungkol sa kanya at asawang direktor na si FM Reyes.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/05/2021 08:49 AM
Rita Avila, hiniling na respetuhin siya bilang beteranang artista
Photo Credit: @msritaavila Instagram

Hindi napigilan ng beteranang aktres na si Rita Avila na maglabas ng sama ng loob kasunod ng pagpuna ng isang netizen sa kanyang pag-arte kung saan sinabing ang asawa nitong direktor na si FM Reyes na lamang ang nagpapaangat sa kanya. 

Ani Rita, kaya niya umanong tanggapin ang mga panglalait sa karakter niya ngunit huwag lang idamay ang kanyang asawa, na isa sa mga direktor ng hit na seryeng Ang Sa Iyo Ay Akin.” 


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)

 

“May pakiusap po ako. Alam niyo ‘yan na na kaya kong makipaglokohan kahit ano pang ipintas niyo kay Belen — ‘yung mga kulay ng eyeshadow, sa makeup, sa buhok, sa kulay ng damit. Kayang-kaya ko pagtawanan alam niyo ‘yan. Tanggap ko po ‘yun. Kayang intindihin ng isip ko,” ani Rita. 

“Pero itong araw na ‘to napakabigat po ng puso ko dahil may isang demonyo na sumulpot. Yes, demonyo. Dahil ang tanging gusto lang talaga niya ay makapanakit at tapakan ang pagkatao ko. Ang ikinagalit ko o ikinasama ng loob ko ay ang pagdamay pa niya sa asawa ko,” dagdag pa niya. 

Pagpapatuloy ni Rita: “Pintasan na lang lahat ng character ko, pag-arte ko, huwag lang idamay ang asawa ko. Sinabi ng demonyo na ‘yun na ako ang kulelat sa artihan dito sa “Ang Sa Iyo Ay Akin.” Sige, fine. Pero nu’ng sinabi niya na debale nandiyan naman ang asawa mo para i-angat ka, masakit na po ‘yun.”

READ: Rita Avila on staying sexy in her 50s: ‘Good health is more important than any figure’

Pagbabahagi pa ng aktres, una silang nagkatrabaho ng kanyang asawa noong taong 1999 para sa seryeng “Marinella.” Pero dahil marami itong natanggap na pamumuma dahil kasama nito ang kanyang asawa sa nasabing serye, mas pinili na lamang umano niyang umiwas at pansamantalang di magtrabaho sa Kapamilya network.  

“More than twenty years ago, nagsama kami sa isang soap ‘yung 'Marinella.' May mga demonyo rin na siniraan kami dahil lang sa relasyon namin. Napakasakit po nu’ng time na ‘yun na ako po ay nagtangkang magpakamatay. Hindi ko kinaya. After ten years, hindi ako nagtrabaho kasama ang asawa ko, hindi ako nagtrabaho sa ABS(CBN) para wala nang masabi ang mga tao,” ani Rita. 

Nang muling magkasama sa seryeng “Magpahanggang Wakas” taong 2016, muli na naman umano siyang nakatanggap ng pambabatikos. 

“After so many years, pinagsama ulit kami, now he’s just careful kasi baka kung may anu-ano na namang mga sutsot ang mangyari. Mula noon, “Magpahanggang Wakas” at ito na ASYAA, pangatlo pa lang po naming mag-asawa na nagkatrabaho. Kung ano man ang iniisip ng mga malisyoso diyan na kesyo mag-asawa kami at kasama ako sa cast, na pag-asawa ko dapat ganito, ganyan. Na parang trapo ako na wala po akong napatunayan sa sarili ko,” aniya. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)

 

Kaya naman pakiusap ni Rita, sana ay tigilan na ang mga malisyosong komento dahil hindi umano sila mga ganoong klaseng tao. 

“Matagal na po akong artista. Sabihihan niyo nang laos ako, fine. Dahil hindi ko naman iniisip. Wala akong ilusyon na sikat ako, hello. Pero ‘yung para sabihin na kaya naman akong i-angat ng asawa ko, 'wag ganon dahil hindi kami ganu’ng klaseng tao. Maayos po kami. Simple kaming mag-asawa. Maayos kaming mag-asawa alam nila ‘yan. Hindi po siya ang namimili na ilagay ako sa cast. Management po ng ABS-CBN ang namimili kung sino ang mga artistang kukunin,” aniya. 

READ: Director FM Reyes on working with wife Rita Avila in ‘Ang sa Iyo ay Akin’: ‘Numero uno siyang sumusuporta sa amin’

Dagdag pa ni Rita, wala umanong dahilan para sabihan siyang bobong artista. 

“Ako, tuwing may trabaho nagpapasalamat ako sa Diyos. Ganu’n lang ang buhay ko. Trabahador katulad niyo. Pero huwag na huwag niyong bigyan ng dumi ang relasyon namin just because mag-asawa kami. Nagtatrabaho kami bilang direktor at aktres. Hindi ko kaya ‘yun. Hindi ko kayo mapapatawad. Napakabuting tao ng asawa ko. At hindi ako bobong artista na kailangan pang hilahin niya,” saad niya. 

Panoorin ang naging pahayag ng aktres: 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)

 

Samantala, nakiisa naman kay Rita Avila ang mga kaibigan nito sa industriya kabilang na ang mga aktres na sina Jean Garcia at Jackie Lou Blanco. 

Saad ni Jean: “Mahigpit na yakap my dear sister, be who you want to be and not care about what others think, mapapagod at gagabain din yang mga yan. Just continue spreading good vibes Ana banana, I love you and direk Erick. God bless you always!”

Ani naman ni Jackie Lou: “Hugging you. Love and respect for you both. Love you.”

Sa isa pang Instagram post, pinuri ni Rita ang kanyang asawa na si FM Reyes na aniya’y napakatiyaga at napakatalino. 

“Minsan, kelangang may dumalaw na demonyo para maglabasan ang mga anghel para sumagip. Maraming salamat sa inyong lahat. Ito po ang asawa ko na isa sa mga directors ng ASIAA na sobrang dedicated sa kanyang trabaho. Ang pinaka-gusto ko sa kanya ay walang maliit na artista. Lahat ay binibigyan nya ng halaga. Napakatiyaga niyang magmotivate at napaka-talino na alam nya ang mga detalye sa bawat character sa soap niya,” saad ni RIta. 

“Salamat din sa mga prayers. Humayo na ang kampon ng kadiliman. Again, maraming salamat po. Kung ako man ay naapektuhan, malalim ang pinanggalingan,” dagdag pa niya. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)

 

Samantala, inaabangan naman ang makapigil-hiningang pagtatapos ng Ang Sa Iyo Ay Akin.”