Director FM Reyes on working with wife Rita Avila in ‘Ang sa Iyo ay Akin’: ‘Numero uno siyang sumusuporta sa amin’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Director FM Reyes on working with wife Rita Avila in ‘Ang sa Iyo ay Akin’: ‘Numero uno siyang sumusuporta sa amin’

Director FM Reyes on working with wife Rita Avila in ‘Ang sa Iyo ay Akin’: ‘Numero uno siyang sumusuporta sa amin’

Rhea Manila Santos

Clipboard

With the addition of new cast members in the second book of Ang sa Iyo ay Akin, director FM Reyes said he is happy with their cast which now includes Joseph Marco whom he admits is very vocal about his acting process.

Si Joseph, when creating the character, madami siyang mga tanong kaso ang specialization talaga is paano mag-iisip, ano ang pakiramdam niya, huhubarin nila ang lahat kung sino sila at ano ang persona nila. So pag may problema na ang artista sa ganun, at ang alam niya lagi ay pinag-ba-base niya sa sarili niya, kailangan na-di-dissect niya eh,” he said.

Another new member of their cast is his real-life wife Rita Avila whom direk FM proudly shares is always very professional on the set.

Mas marami sa mga scenes ni Rita si direk Avel (Sunpongco) ang nag-shu-shoot pero kasi medyo strikto talaga ako na director. So alam niya po yan, hindi po dahil misis ko siya ay espesyal ang turing sa kanya. In fact medyo mabigat ang requirement ko sa kanya kasi alam niya rin yung pagod ng production. Alam niya yung hirap ng mga nagtratrabaho sa likod ng camera. Kaya numero uno siyang sumusuporta sa amin. Kung talagang sa tingin niya may hinahabol na accessory o damit, nagmamadali na siya talaga na makarating sa set kasi ayaw niya maging dahilan ng delay. Bilang artista naman, isa sa nagustuhan ko sa kanya, hindi kasi siya madaldal na tao. Malalim siya mag-isip. Tahimik lang na nakikinig,” he shared.

ADVERTISEMENT

The Ang sa Iyo ay Akin director also said that his wife of almost two decades initially surprised him with her intelligence at taking direction.

Dati nga sinasabi ko na pag nagbibigay ako instruction, she doesn’t affirm you, wala siyang binibigay na kahit tango, wala kang nakikita. So naisip ko pumapasok kaya sa kanya yung mga instruction? Lalo na kung mahirap yung drama. Ako naman na-su-surprise ako kasi pag tumatakbo na yung eksena nakikita ko ginagawa niya. Kaya sinabi ko, ‘Ah, matalino.’ So that’s one thing that I like with her. She’s very respectful.

“Hindi rin naman niya kasi ugali na dahil director ako eh she throws her weight around on the set. Napaka-marespeto rin sa akin. Hindi kami mag-asawa, hindi kami magka-ano ano, which is very important for everybody kasi alam niyo sa arts ganito ang paniwala naming mag-asawa, lumaki ako sa isang pamilya ng mga pianista at mga poet. Kaya pag tinanong kami ng mga magulang namin kung kumusta yung mga katrabaho namin hindi namin puwede sabihin na okay lang, kailangan namin sumagot ng diretso. Kung hindi maganda ang trabaho namin, mas gusto namin marinig na hindi maganda yung trabaho namin kesa sa ibang tao namin marinig. So parang ang itinuro sa amin ay walang dugo, walang edad,” he explained.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.