Xander Ford, ibinahagi ang realizations sa buhay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Xander Ford, ibinahagi ang realizations sa buhay

PUSH TEAM
Published Feb 04, 2021 11:50 PM PHT

Matapos ang magkakasunod na kontrobersiya na kinaharap, tila ilang realizations ang ibinahagi ng social media personality na si Marlou Arizala o mas kilala bilang si Xander Ford.

Sa Facebook page ni Xander, ibinihagi niya ang ilan sa mga “problema” na kaniyang hinaharap sa araw-araw, na bahagi na ng kaniyang buhay na maagang namulat sa kahirapan.

“Sa totoo lang pinipilit ko kumain sa araw-araw kahit puro problema ang iniisip ko. Dahil isa ako sa libo-libong kabataan na maaga nang namulat sa kahirapan dahil ganito naman talaga sa Pilipinas eh,” bungad nito sa kanyang post.

Kasunod nito, inisa-isa ni Xander kung ano ang bumabagabag sa kanya.
Kasunod nito, inisa-isa ni Xander kung ano ang bumabagabag sa kanya.
ADVERTISEMENT
“Una - dami kong binabayaran na mga utang ng Mama at Papa ko. Pangalawa - nagbabayad ako ng bahay, tubig, kuryente, at pang araw-araw naming gastusin sa bahay. Pangatlo - bayarin sa pag aaral ng mga kapatid at pamangkin ko. Pang apat - problema sa mga kinakaharap kong kaso. Panglima - problema Sa pagkukunan ng trabaho dahil wala na talaga akong maayos na trabaho,” post pa niya.

Bukod sa mga personal na problemang hinaharap, isa rin sa tila malaking nakakaapekto sa kanyang pag-iisip ay ang mga negatibong komento na laging binabato sa kaniya.

“At siyempre yung mga taong hinuhusgahan ako dahil sa itsura ko. Madami akong mga bagay na hindi ko alam paano ko matatapos at hindi ko alam paano ko uumpisahan,” aniya pa.

Ayon pa kay Xander, tulad ng marami, isa lang din ang hangarin niya para sa kaniyang mga mahal sa buhay.

“Gusto ko makatulong makaipon, kahit konting panahon pa. Gusto ko matupad mga pangarap ko para sa aming pamilya. Isa na lang ang need k,o yung mag karoon ako ng isang bagay na magbibigay ng income para sa amin. Gusto ko mag-livestream. Gusto ko talaga mag-work na at makaipon pa.”

At kahit na maraming negatibong bagay na ibinabato laban sa kaniya, isa lang din ang hiling ni Xander mula sa maraming tao.

“PS Sobrang hirap na ng buhay namin ngayun sana kunting awa para sa pamilya ko. Kahit sa konting dasal nalang po at respeto,” pahayag niya.

Kamakailan lang, isang kontrobersiya ang hinarap ni Xander matapos siyang arestuhin ng mga pulis noong December 22 dahil sa isinampang kaso ng kaniyang dating ex-girlfriend.

Matatandaan na June noong 2020, napaulat ang naging expose ng dating karelasyon ni Xander na si Ysah Cabrejas kung saan pinaratangan nito ang nobyo noon ng physical abuse.

Nakalabas si Xander sa piitan dahil tinulungan na makabayd ng piyansa ng dating talent manager niya.