Xander Ford, inaresto

Kasalukuyang nakakulong si Xander Ford sa Tondo, Manila.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/23/2020 08:25 AM
Xander Ford, inaresto
Screenshot from Star Image Artist Management Facebook Live

Inaresto nitong Martes ng gabi December 22 ang social media personality na si Xander Ford o Marlou Arizala sa tunay na buhay.

Sa live video na ibinahagi ng Star Image Artist Management sa kanilang Facebook, makikita ang kanilang pagbisita kay Xander sa piitan ng Tondo sa Maynila kung saan kasalukuyang naka detain ang kanilang dating talent.


Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong isinampa ng kaniyang dating girlfriend, inaresto si Xander sa Pasig na kaniya rin inilahad sa nasabing live video.

Matatandaan na June nitong 2020, napaulat ang naging expose ng dating karelasyon ni Xander na si Ysah Cabrejas kung saan pinaratangan nito ang nobyo noon ng series of physical abuse.

READ: Xander Ford trends as ex-partner exposes alleged physical abuses

Sa ngayon, mananatili muna sa loob ng kulungan si Xander habang inaayos pa ng kaniyang former talent manager ang piyansa na P18,000.

Si Xander ay unang nakilala bilang isa sa mga miyembro ng nabuwag nang all male group na Hasht5.