Marvin Agustin, inaming maraming naperwisyo sa ibenebentang cochinillo: ‘My worst Christmas’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Marvin Agustin, inaming maraming naperwisyo sa ibenebentang cochinillo: ‘My worst Christmas’

Marvin Agustin, inaming maraming naperwisyo sa ibenebentang cochinillo: ‘My worst Christmas’

Pao Apostol

Clipboard

Nakatanggap ng sunod-sunod na mga reklamo kaugnay sa kanyang conchinillo o roasted piglet business nitong nagdaang Pasko ang aktor na si Marvin Agustin.

"My worst Christmas. I will learn from this. I'm very sorry, everyone,” panimulang sabi ni Marvin sa kanyang mahabang Instagram post.

Pag-amin ni Marvin, marami siyang naperwisyo kaya naman nalungkot siya nang malaman ang tungkol sa nangyari sa kanyang mga customers lalo pa’t dapat ay nagdidiwang umano ang kanyang customers.

"Napakahalaga ng Pasko sa atin, lalo na sa dami nag pinagdaanan natin ngayong nakaraang taon kung kaya't napakasakit para sa akin na madami kaming mga taong naperwisyo kahapon at ngayong araw na 'to,” ani Marvin.

ADVERTISEMENT

Paliwanag ni Marvin, marami silang kinaharap na pagsubok kabilang na ang pagbigay ng kanilang mga kagamitan sa kusina, pagkakaroon ng problema sa kanilang sistema ng pag-order at pagkansela ng mga taong sana’y maghahatid ng orders sa mga customers.

Muli namang humingi ng paumanhin si Marvin at sinabing tinanggap na lamang niya ang ibang masasakit na salita lalo pa’t alam niyang siya ang may nagawang pagkakamali.

“I am very sorry to each one of you. Maling-mali na nagpa-overwhelm kami sa mga di inaasahang problema. Nagkulang kami sa aming serbisyo, at hindi namin agad-agad na natugunan ang inyong mga katanungan. At masakit man 'yung mga nababasa ko, tinatanggap ko lahat kasi talagang nagkamali ako,” ani Marvin.

Hiling naman ni Marvin na mabigyan siya ng pangalawang pagkakataon kasunod ng nangyari.

“Sana mabigyan ninyo ako ng pagkakataon [na] maipakita na hindi ko pagkatao ang magbigay ng problema o hirap sa kahit na kanino,” saad ni Marvin.

Pagbabahagi naman ni Marvin, nakipag-ugnayan na ang kanyang mga tauhan sa ibang taong naapektuhan at sinabing kinakausap naman niya ang iba pang tao na may parehas na reklamo.

Samantala, nangako naman si Marvin na mas pag-iigihan pa niya ang kanyang serbisyo sa kanyang mga customers.

"Bawat isa sa inyo mahalaga sa akin at sa aming trabaho. I promise each one of you, we will do better,” sambit nito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.